Twenty-One. Loser

4.1K 81 6
                                    

Writer's note: Nixy. Bagong nickname ni Phoenix :3

&&&

previously on The Evil Prince...

Lagi nang may nakadikit kay Phoenix dahil nagbalik na si Gale. Habang magkasama sina Phoenix at Gale, ganon rin naman sina Autumn at Aj. Nagkakamabutihan na ang dalawang pares.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Twenty-One. Loser

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"oi!" sigaw ko sa kaklase ko, "pasa!". Pinasa naman niya sakin ang bola at saka na ako dumiretso sa basket at... shoot!

Nagsimula na kasi ang unang laban ng section A at section C. Basketball. Ang score ay 23-31, leading ang section na kalaban namin. Shit naman kasi eh. Pero ayos lang yun kasi nasa kalagitnaan palang naman ng 2nd quarter.

Tumawag ng time-out si Kenji. Ang class rep kasi ang coach ng bawat klase. "Guys!" sabi niya, "Focus po! Wala na nga si Alexander sa team nila eh...". Absent kasi si Aj dahil may sakit ata. "Kuya, bantayan mo yung matangkad. Ikaw naman, laging ilalim ng ring para sa rebound." sabi ni Kenji, "Phoenix, puntos. Grade ang nakasalalay dito."

"Okay!" sabay-sabay na sagot ng team.

Pupunta na bale ako sa court pero may humawak sa braso ko. Lumingon ako at nakita ko si G-Gale. "Phoenix, galingan mo." sabi niya sabay ngiti. Tumango nalang ako pero hindi ako nakatingin sa kanya dahil may hinahanap ako... haayyy bahala na nga.

Bantayan mo!
Oi! Foul yun!
Shit?!
Bakit hindi mo tinira?!

Natapos ang 2nd quarter at 4 minutes ng 3rd quarter. Ang score ay 45-58, lamang pa rin ang kalaban. Kainis! pero sinabihan naman kami ni Kenji na wag mawalan ng pag-asa dahil 13 points lang naman daw ang lamang at may 4th quarter pa.

Kaasar lang kasi talaga dahil ang lakas ng kalaban tapos mga shooter pa at mahilig pang mang-foul. Gusto talaga akong ipahiya ng mga 'to. Last year kasi kaklase ko sila at ka-team rin sa gantong laro... pero hindi ko sila pinapasahan nun dahil bakaw ako. Asar! Ayoko nang natatalo!

"Mag-three points ka dito, Ivan." sabi ni Kenji sabay turo sa cardboard na ginawa niyang representation ng court, "okay. Kaya pa yan!".

Bumalik ulit kami sa court para maglaro. Sinunod naman namin ang sinabi ni coach at nakadalawang three points nga si Ivan eh. Tatatlo pa sana kaya lang... nang pinasa ko sa kanya ang bola at nasalo naman niya, finoul siya nung dalawa sa kabilang team at nagka-injury pa siya. Dinala siya sa clinic dahil dun. Time-out na naman.

Dahil sa nangyari, nabawasan kami ng player. Wala na kaming maipasok dahil pagod na ang lahat, halos lahat kasi ay naipasok na kahit yung hindi marunong. Bawal naman lumaro ang coach kaya hindi rin pwede si Kenji.

"Kenji. Papasok ako." sabi ng isang babae. Napatingin ako kung sino dahil parang kilala ko yung boses at pagkakita ko... si Autumn. "Tinanong ko na kay prof. Okay lang daw. Kahit sino daw pwede basta galing sa klase.", dagdag pa niya.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon