Fifteen. I am a Prince

5.1K 97 2
                                    

Writer's note: Waaaahhh! Sa wakas! Na-realize niya na! :DD Haha! Thanks po sa patuloy na pagbabasa!  :))

&&&

previously on The Evil Prince...

Na-realize na ni Phoenix na may gusto siya kay Autumn. Nalaman niya yun nung field trip nila sa Enchanted City.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Fifteen. I am a Prince

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Boring... .. .

Meeting-meeting lang kami ngayon para sa stage play na class project namin. Ang play namin ay Cinderella kung saan may prince... at dahil ako ang kilalang prince dito, ako ang napiling Prince. Ayos sana kung si Autumn yung magiging Cinderella... kaso eto at nagtatalo pa yung mga babae naming classmates. Nabibingi na ata 'tong si class rep, Kenji. Kawawa...

Anyway, kahit nakalipas na ang isang linggo pagkatapos ng field trip hindi ko pa rin nakakalimutan yung mga nangyari. Shit naman kasi eh. Bakit ba 'ko nagkagusto kay Autumn?! Errhhh! Pero hindi ko kayang pigilan.... Inis! T-tapos, lagi pa'kong namumula kapag lumalapit siya sakin... badtrip talaga!

Paulit-ulit ko nalang yun naaalala.... Errrhhh!

***

"She's mine."

Kumalas sa pagkakayakap ko si Autumn at nagtanong, "huh?"

"Ah!" patay... narinig niya pala. "Ayun oh!" tumuro nalang ako dun sa tindahan ng mga bear, "bibilhin ko sana yung hawak nung bata..."

"Ah... ganun ba." sabi ni Autumn. Tapos medyo nag-isip siya, "s-sorry... hindi ka pala makapunta dun kasi yakap mo'ko." sabi niya sabay bow. cute.

"Hindi!" syempre mas gusto ko namang yakap mo'ko noh... saka palusot lang yun, "Ayos lang."

Yinakag ko siyang sumama sa pagbili, kasi sa kanya ko rin naman ibibigay yun, pero sabi niya pagod na siya at masakit na rin ang paa niya kaya gusto niya daw na dun nalang sa bench mag-antay. Papayagan ko na bale siya kaso naisip ko yung mga nangyari kaya siya napunta dito at umiyak... ayoko nang naiyak siya, nakakabadtrip.

Sinabi kong sumama na siya sakin at sumagot naman siya, "ayos na'ko... hindi na'ko mawawala ulit.", tinaas niya ang kanang kamay niya at ngumiti siya, "Promise."

Napa-okay na lang ako dahil sa ginawa niyang pagngiti... ewan ko ba, lagi namang ganito pero hindi pa rin ako sanay. Nagpunta ako sa tindahan at bumili nalang ako ng ibang teddy bear kasi binili na nga nung bata, ayos din sana yun. Bumalik na'ko sa bench kung san nakaupo si Autumn at tinabihan ko siya.

Inihagis ko sa kanya yung bear kaya nagtaka siya at nagtanong, "kanino ko 'to ibibigay?"

What the... at kanino pa nga ba?, "sayo." sabi ko sa kanya. Saka alangan gawin kitang tagabigay lang?... "weird ka talaga."

"ah... hindi ba sa mama mo?" tanong niya na ikinagulat ko. Bakit kailangang banggitin pa si mama?! este-- yung babaeng yun?!

"Hindi noh!" sabi ko, "Bakit ko naman bibigyan yun?!" Nagsabi siya ng ilang rason pero wala talaga... asa pa. "Change topic tayo." ayoko nang pag-usapan yun at ako'y nababadtrip lang, "ayos ka naba?"

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon