Thirty-Eight. Fanservice

3.2K 54 5
  • Dedicated kay Angela Ildefonso
                                    

Writer's note: Sa lahat ng nagbabasa at sumusuporta.... Thank you Thank you Thank you!

&&&

previously on The Evil Prince...

Kahit papano, natuloy pa rin ang date nina Phoenix at Autumn. At ngayon, nasa "blocklist" na ni Phoenix si Tristan dahil nga sa ginawa nito. Ngayon, may bagong kinahaharap sina Aj at Phoenix dahil sa pagtakbo nila sa halway.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Thirty-Eight. Fanservice

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"Sandali lang!", sabay naming sabi ni Aj, pero nakababa na agad si Autumn.

Tumingin ako kay Aj. Napahawak nalang siya sa ulo at sinabing, "Tara na nga.". Naglakad na siya pababa ng hagdan at sumunod na rin ako. Nakunaman...

Yun na nga. Napunta kami dito sa discipline department sa pagsunod kay Autumn. "Hindi ko inaasahang ganyan pala umasal ang mga kilalang estudyante dito sa school.", sabi ni Mr. G. Tumungo nalang kami ni Aj... para hindi makita ang ilong ni Mr. G.

"Sorry po.".

"Bukod sa sorry na yan.", sabi ni Mr. G, "Sasailalim kayo sa COMMUNITY SERVICE.". Kahit nakatungo ako, alam kong lumaki na naman ang ilong ni sir sa tono ng pagkakasabi niya ng "community service" at nagflashback sakin yung itsura niya kanina, kaya medyo natawa ako. "Ano ang problema, Mr. Villaflor?".

"W-wala po.", sagot ko na medyo may kasamang tawa pa.

Bumulong sakin si Aj, "Naiisip ko rin yang naiisip mo.", sabi niya tapos tumawa siya nang mahina.

"Sayang naman at pagtakbo lang sa hallway ang ginawa niyo.", sabi ni Mr. G, "Isang araw lang ang community service niyo... pero kailangan niyong linisin ang bawat sulok sa school na ito.". Itinaas niya ang ulo naming dalawa ni Aj, at tiningnan kami sa mata. "Ngayon na!".

"S-sir. Hindi po namin makita ang mata niyo.", sabi ni Aj, "N-n-nahaharangan po ng ilong niyo eh!". Natawa ako sa sinabi niya at ganun rin siya. Bago pa kami habulin ni Mr. G, tumakbo na kami. Habang papalayo, "Magsisimula po kami sa school grounds!!", sigaw ni Aj.

Sa pagtakbo namin, narating namin ang gate ng school. Humarap ako sa building at tumingin sa paligid, "Ang lawak nito.".

"Ayos lang yan.", sabi ni Aj, "Nakakapagod na umupo at makinig sa walang kwentang discussion.". Tumingin ako sa kanya. "Ah! Alam ko na.", sabi niya bigla, "Hindi ka kasi sanay maglinis.". Ngumiti siya na parang may masamang sasabihin o kaya pang-asar. "Gusto kong mapangasawa ni Autumn yung makakatulong sa kanya sa mga gawaing bahay...", sabi niya habang nakatingin sa malayo, "Sayang naman at hindi marunong ang lalaking nakatayo malapit sakin.".

Sinuntok ko siya sa braso, "Simulan na natin ang paglilinis.", sabi ko nang nakatingin diretso sa mga mata niya.

Nagpunta kami sa storage room para kumuha ng mga kailangan naming gamit panglinis. Pagkatapos, bumalik kami sa grounds para magwalis. Ako sa kanan at si Aj naman sa kaliwa. Kasabay nun nag-water na rin kami ng mga halaman.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon