Twenty-Two. I hate my life

4.1K 78 4
                                    

Writer's note: Guys... sorry dahil late ang update. Pansensya na talaga. May family day kasi kami nung sabado tapos busy naman nung school days. Sorry talaga.

&&&

previously on The Evil Prince...

Naglaro na ang dalwang section ng basketball para sa grades. Muntik nang matalo sina Phoenix pero tumulong at naglaro naman si Autumn. Dahil kay Autumn, nakahabol pa sila sa score ng kalaban pero nagka-injury si Autumn kaya tumigil siya sa paglaro at dinala siya ni Phoenix sa clinic. Ang absent at may sakit na si Alexander ay dumating rin nang malamang nadisgrasya si Autumn.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Twenty-Two. I hate my life

Point of View:

-Autumn Garcia-

"Autumn.", bulong ni Xander, "Okay ka lang? Sabihin mo kung may nasakit sayo.". Tumango-tango nalang ako sa sinabi niya.

Hinawakan ko ang noo niya kasi ang alam ko may sakit siya. "May sakit ka, Xander.", sabi ko sa kanya, "Kailangan mong magpahinga.".

Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba. "Ano ka ba?", sabi niya, "malakas ako. kaya ko 'to.". Sasabat sana ako pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita. "Aangal ka pa?" sabi niya, "ikaw ang kailangan ko para gumaling, Autumn."

Hinawakan niya ang kamay ko nang matagal at nakatulog na 'ko. Pagkagising ko nakita kong tulog na si Xander na naka-ubob sa gilid ng kama habang nakapatong ang kamay niya sa kamay ko.

Gigisingin ko sana si Xander pero nang makita ko ang mukha niya, nagbago ang isip ko. Ang payapa ng mukha niya na parang walang problema pero kahit ganun maputla pa rin ang balat niya at halatang may sakit.

Babalik na bale ako sa pagtulog pero nakita ko si Phoenix na nasa labas ng pintuan at parang nakatingin sakin. Nginitian ko siya. Papangiti na sana siya pero bigla nalang siyang tinulak ni Gale. Kumaway-kaway sakin si Gale. Hindi ko alam kung bakit siya ganun, kasi naman hindi kami close eh, pero nginitian ko nalang rin siya.

Habang nakangiti ako kay Gale, nakita ko naman ang mukha ni Phoenix na medyo asar at malungkot rin kaya nawala rin ang ngiti ko. Ano kaya ang problema niya?

Yinakag ni Gale si Phoenix sa kung saan at umalis na sila.

&&&

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"Nixy!" sabi ni Gale, "may pupuntahan tayo!". Malungkot ako dahil sa hindi malamang kadahilanan pero binalik ko sa dati ang mood ko. Tinanong ko si Gale kung saan niya gustong pumunta at sumagot siya, "Magde-DATE tayo!" sabi niya nang masayang-masaya.

Ngumiti ako sa kanya at sumagot, "sige.".

Hinila niya ako at nang nasa gate na kami ng school, tumigil siya. "How about.... umuwi muna tayong dalawa para makapagbihis." sabi niya.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon