Forty-Four. Love

3.2K 63 2
                                    

Writer's note: 21k na tayuuuu! n____n

&&&

previously on The Evil Prince...

Nalaman ni Phoenix kay Alexander na si Gale pala ang may kagagawan ng lahat. Na-set up pala si Autumn. Anyway, mas tumindi na ang samahan nina Phoenix at Autumn. Naging sweet na din si Autumn kay Phoenix.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Forty-Four. Love

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"Kayo na ba?", tanong ng mga pinsan kong ugok, "Ilang years, months, weeks, days??".

Kahapon pa nila tinatanong sakin ang tanong na yun, at hanggang ngayong umaga, tuloy pa rin sila. Nagsimula silang magtanong nang makita nila kaming dalawa nang magkasama...

***

"I-ikaw...".

Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya, "Mas gusto kita.", sabi ko. Tapos bigla kong naalala yung regalo ko para sa kanya, "Ah. Eto nga pala.". Kinuha ko sa bulsa ko yung hairclip at inipit yun sa buhok niya. "Okay. Ayos.", sabi ko tapos pinisil ko ang magkabila niyang pisngi, "Ang cute mo na ang ganda mo pa!".

Tinigilan ko na ang pisngi niya at saka siya nagsalita, "T-thank you.". Tapos, nagulat ako bigla ng hawakan niya ang kamay ko. "Eto oh.", sabi niya sabay suot ng bracelet sakin. "Ginawa ko yan.".

"T-t-talaga?!", sabi ko sa gulat dahil ngayon lang siya nagbigay ng regalo sakin. Nung birthday ko, parang wala eh... hindi ko na matandaan. "Thank you!", sabi ko. Napansin ko na hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko kahit naisuot niya na yung bracelet kaya biniro ko siya. "Kanina mo pa hawak ang kamay ko. Ayaw mo na bang bitawan?".

Napatingin siya sa kamay naming dalawa na magkahawak nga. Nang makita niya yun, napabitaw siya sabay sabi ng, "Sorry. Hindi ko sinasadya.".

"Ano ka ba...", sabi ko naman. Kinuha ko ulit ang kamay niya at hinawakan. "Joke lang yun.", sabi ko, "Hawakan mo lang kahit kailan mo gusto.". Ngumiti lang siya at tumango.

"Phoen-----Phoenix?!", biglang sabi ng kadadating lang na si Alexis. Napatingin siya sa kamay namin na magkahawak at napatanong, "Kayo na ba?".

Dumating rin yung iba at katulad ng kay Alexis, yun din ang naging reaksyon nila.

***

Yun nga ang nangyari."Hindi pa.", sagot ko sa mga tanong nila, "Wala pa.", para lang tigilan na nila 'ko. "Pero malapit na.".

"Bilisan mo na kung ayaw mong maunahan ka.", pagbibiro ni John, "Nandito kami oh.". Napadila lang ako sa sinabi niya kasi wala naman silang pag-asa kay Autumn. "Ikaw bahala.".

"Hindi niyo gagawin yun.", sabi ko naman. "Ang mabuti pa, tulungan niyo nalang ako sa plano ko.". Sumang-ayon naman sila. Talaga naman 'tong mga 'to eh, puro biro nalang lagi. "Ganito kasi yun....". Pagkatapos naming pag-usapan yun, umalis na'ko para pumunta kina Autumn. May date kasi kami... kasama ang kuya niya... at yung kikitain ng kuya niya. Hindi naman talaga date yun kasi sasamahan lang naman namin si Aj pero gagawin ko yung date.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon