Eighteen. The real me is back!

4.9K 90 4
                                    

Writer's note: Guys! Kung nagustuhan nio po, vote lang po ^__^ at para naman po sa mga reactions, comment lang po ^__^ Thanks po sa patuloy na pagbabasa ng The Evil Prince :D

&&&

previously on The Evil Prince...

Naging maayos ang stage play nila Phoenix kahit na medyo naiba yun sa script. Tapos, merong sinabi si Aj kay Phoenix na nagpabago sa nararamdaman niya... kaya ngayon hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. At nalaman rin niyang babalik pala si Gale mula sa America.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Eighteen. The real me is back!

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

What the fucking shit?!!

Hindi ako makatulog dahil dun sa mga sinabi ni Aj. Hindi ako makapaniwalang yun pala ang totoo kong intensyon... at hindi rin totoo ang mga nararamdaman ko.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nagpunta sa study table ko. Umupo ako sa upuan dun at nilinaw ang mga bagay-bagay sa utak ko. Kinuha ko ang isang picture sa drawer ng table, picture ni Autumn... na ang totoo ay picture na kinuhanan ni VP nung school festival. Hindi lang si Autumn mag-isa ang nasa picture, kasama dun si Aj pero syempre tinupi ko yung part ni Aj. Stolen yun, yun kase yung nung nakain kami sa school grounds, sa mga booth dun. Binigay sakin 'to ni VP kasi sabi niya ibigay ko raw kay Aj, pero dahil nandito si Autumn... tinago ko nalang 'to. Ito lang ang picture niya eh.

Tinitigan ko yung picture sa loob ng ilang minuto, pero wala akong naramdaman na kahit ano. At saka ako napa-isip... NAPAKATANGA KO. "Tsss.", Tama si Aj. Inalis ko na yung pagkakatupi ng picture. At dun, kita na si Aj. Bagay sila. Mali nga talaga ako. Tinapon ko na yung picture dun sa basurahan sa tabi ng table.

Pagkatapos ng pag-iisip ko tungkol dun, kumuha pa ulit ako ng isa pang picture, picture ni Gale. Ang ganda niya talaga... tapos matalino pa, mabait, mayaman. Nasa kanya na lahat... ako nalang ang kulang.

Dahil sa mga napagisip-isip ko, nagdesisyon akong ilayo nalang ang loob ko kay Autumn... saka WALA naman talaga akong gusto sa kanya eh. Bukas, ie-enjoy ko na ulit yung dati kong hobby. At ihahanda ko na rin ang sarili ko sa pagbabalik ni Gale.

Yung tungkol naman sa pagganti ko kay Autumn... wala na yun. WALA. NA. AKONG. PAKEALAM. DUN. Isa pa, nakita ko na siyang umiyak sa harapan ko eh!

THE EVIL PRINCE IS BACK!

***

"Good morning, Phoenix.", sabi ni Autumn.

Gusto kong tumingin sa mga mata niya pero ayaw gumalaw ng eyeballs ko, "morning.". Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, alam kong nakangiti siya... at sa hindi malamang dahilan napangiti rin ako. Sa direksyon kung san ako nakatingin, natanaw ko si Aj kaya umalis na ko at sinabi kay Autumn na, "ayan pala ang boyfriend mo. sige."

Nakita ko pa siyang kumunot ng noo sa pagtataka bago ako tuluyang makaalis. Haayyy... ewan ko ba, napa-iling ako.

Paglabas ko sa kulob na hallway ng classroom ko, napunta ako sa cafeteria. Andaming babae, sarap mang-trip!!!

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon