Thirty-Three. Best Birthday Ever

3.5K 71 2
                                    

Writer's note: :DDD Thank you sa inio kasi... 33 na tayo!! :DDD

&&&

previously on The Evil Prince...

Hindi na pwedeng maging sina Autumn at Alexander kaya wala nang kalaban si Phoenix pero parang ayaw ni Autumn, nilalayuan kasi siya nito. Mag-iisang linggo na siyang nilalayuan ni Autumn pero umaasa siya na ngayong birthday niya, titigilan na ni Autumn yun.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Thirty-Three. Best Birthday Ever

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Magcelebrate nang kasama ang mga taong gusto akong makasama o ang taong gusto kong makasama???

Hindi ko na pinag-isipan pa ang sagot sa tanong na yun. Simple lang naman ang sagot eh. Syempre, ang makasama ang taong gusto ko, ang makasama si Autumn.

"Sige na.", sabi ni VP, "Pumunta ka na sa kanya.". Lumapit na'ko sa pinto pero napatigil ako dahil naisip ko na baka ayaw talaga sakin ni Autumn. "Ano na?", sabi ni VP sabay hampas sa likod ko, "may problema ba kayo?".

"ah. Wala.", sagot ko. "Sige, alis na 'ko.", sabi ko, "Thank you sa kanina.".

Binuksan ko na ang pinto para makaalis. Andami ngang regalo sa labas, nilakdawan ko nalang yung mga nasa baba.

"Ui, lumabas na si Prince!", narinig kong sigaw ng isang babae mula sa likod ko. "Prince! Eto ang regalo ko!".

Tumakbo na'ko kasi ayoko talaga ng iba nilang regalo sakin eh. Ang iba "kiss" ang regalo at nakakabadtrip yun. Ewan ko ba sa mga taong 'to.

Habang tumatakbo ako at hinahabol ng mga babae, napadaan ako sa storage room. Bigla nalang may humila sakin dun. Mabuti naman dahil napapagod na'ko eh. "S-salamat.", sabi ko tapos napatingin ako dun sa taong humila sakin, "Autumn???". Nagulat ako sa nakita 'ko.

Nung una, hindi siya makasagot pero tumango rin siya. "Phoenix, happy birthday!", sabi niya, "Pasensya na pero eto lang ang mabibigay ko'ng regalo...". Lumapit siya sakin at hinawakan ang pisngi ko tapos unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sakin na para bang hahalikan niya 'ko.

Malapit nang magdikit ang mga labi namin nang biglang may nagsalita, "Gale!".

Napalingon si Autumn sa pinanggalinga ng boses, "Alexander?", sabi niya, "Ano'ng ginagawa mo dito?!". Lumapit siya kay Alex.....ander?! Gale?! So si Gale 'to?! At hindi si Autumn?!

"Eh ikaw, ano'ng ginagawa mo kay Phoenix?", sabi ni Alexander.

"Iki-kiss ko sana siya kaso nga lang, eto...", sabi ni Gale, "dumating ka.". Napahawak sa ulo si Gale, "Panira ka eh noh?", sabi niya, "Paalisin mo nga 'to, Phoenix.".

Tumingin sakin si Aj nang masama na para bang sinasabi ng mata niya, Ano 'to? Akala ko ba mahal mo ang kapatid ko?. Napa-iling nalang ako. "Aj.", sabi ko, "A-akala ko kasi si Autumn si Gale pero wala talaga 'kong balak na pumayag sa kiss neto. Hindi ko talaga gusto yun.".

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon