Twenty-Eight. In the rain

3.7K 75 1
                                    

Writer's note: Ang astig ng mga comments! Kung may like button nga lang sa bawat comment eh (parang sa facebook xD), na-like ko na lahat ng comment nio! :D Thanks sa votes and comments ah! :D malapit na mag-6k! :D

&&&

previously on The Evil Prince...

Lumipas ang ilang araw at dumating ang araw ng birthday ni Autumn. Gusto sana siyang makasama ni Phoenix kaso lang naunahan naman ni Alexander si Phoenix. Saka sadyang naggi-give lang si Phoenix kay Alexander. Buong araw na nagkasama sina Alexander at Autumn. Gabi na nakauwi si Autumn at mula sa malayo nakakita siya ng anino ng taong nakaupo at nakasandal sa pader sa harap ng bahay nila.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

 

Twenty-Eight. In the rain

Point of View:

-Autumn Garcia-

Hindi ko masyadong makita yung tao pero mukha siyang lalaki. Hindi naman kasi mahaba ang buhok eh. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

Habang naaglalakad, naisip ko na baka si Phoenix yun. Siya lang naman kasi ang nakakaalam kung saan ako nakatira, bukod kay Xander na kasama ko lang kanina.

Habang mas lumalapit ako sa bahay namin, mas nakikita ko yung itsura nung lalaki. Napatingin naman sa direksiyon ko yung lalaki. Nang mapansin niya ako, bigla siyang tumayo. Nang tumayo yung lalaki, na-realize ko na hindi pala yun si Phoenix kundi si Kyle, yung tsinu-tutor ko. Ang liit kasi niya nung tumayo siya eh.

"Ate Autumn!", tawag sakin ni Kyle. "Happy birthday po, ate!", sabi niya nang may malaking ngiti sa mukha niya. Niyakap niya ako. Pagkatapos niya 'kong yakapin, inabot niya sakin ang dala niyang paper bag at sinabing, "eto po! regalo ko po para sa inyo!".

"Dapat hindi ka na nag-abala.", sabi ko naman, "Thank you. Saka sabihin mo rin sa mommy mo, Thank you ng marami.". Tumuro sa likod ko si Kyle. Lumingon ako para makita kung ano yun at nakita ko ang kotse nila kung saan kumakaway naman ang mommy niya na nasa loob ng sasakyan. Nag-wave din ako.

"Aalis po kami ngayon para sunduin si kuya Tristan sa airport.", paliwanag ni Kyle, "mauuna na po ako.". Hindi pa ako nakakapagsalita ay tumakbo na papunta sa kotse nila si Kyle.

"Salamat! Salamat po!", sigaw ko na may kasamang pag-wave ng kamay bilang pagba-bye. "Ingat po kayo.". Nang makaalis na sila, pumasok na 'ko sa bahay, "ma, nandito na po ako.".

Walang sumasagot kaya naisip ko'ng wala pa si mama. Pero pagkatingin ko naman sa relo, 8pm na. Isang oras ang lumipas at biglang tumunog ang cellphone ko.

9:03pm
Message from: mama

Autumn, hindi muna ako makakauwi ngayon. May inaasikaso pa ako. Happy birthday.

Hindi na 'ko nagtaka. Lagi namang ganyan si mama eh. Wala naman talaga siyang pakealam sakin. Yung isang beses na nagpunta dito sina Xander at Phoenix, pakitang-tao lang niya yun. Ang totoo kasi... ayaw niya talaga sakin. Hindi naman niya 'ko tunay na anak eh. Siya rin ang nagsasabi sakin na magtrabaho ako para hindi ako pabigat sa kanya.

Nang lumaki kasi ako, si papa lang ang nag-aalaga sakin. Hindi ko alam kung sino ang nanay ko kasi hindi ko pa siya nakikita eh. Siguro nga nakita ko siya... pero nung baby pa 'ko at hindi ko naman yun maalala.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon