Thirteen. I didn't expect those words

5.7K 101 5
                                    

Writer's note: All one na ang standing ng labanan ah! Humahabol si Phoenix! Ayos din.. :DD Oo nga po pala, paki-intindi nalang po yung sa "ayaw mo?" part... ^_^

&&&

previously on The Evil Prince...

Meron pa lang nangyari sa past nina Alexander at Phoenix... inagawan daw si Phoenix sa taong mahal niya at si Aj ang umagaw. Nagsimula na ang unang araw ng School Festival. Nagkaproblema sa costume si Autumn kaya gumawa ng paraan si Phoenix. At nawala na rin ang deal nila Phoenix at Autumn na lalayuan na ni Autumn si Aj, pero ayos lang naman yun kay Phoenix.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Thirteen. I didn't expect those words

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Nagsimula kami sa pananakot... marami rin namang natatakot kaya ayos din. Nung buong oras na kami ang nananakot sa loob ng horror house namin, buong oras na magkahawak ang kamay namin ni Autumn... kaya nga nang dun na kami sa labas,

"Phoenix." tawag sakin ni Autumn, "ui. ui. ui." sabay turo sa kamay niya. Hawak ko pa pala yung kamay niya... agad ko yung binitawan kasi yun ang sabi niya eh tas nag-sorry ako at sabi naman niya, "ayos lang."

Parang nangyari na rin yun dati eh... Ay! Ewan! Napakamot nalang ako sa ulo ko kaya naman napatanong sakin si Autumn kung ano ang problema ko at sumagot naman ako, "wala naman. ang kati pala nitong costume noh?" palusot nalang.

"oo nga." sabi niya, "magpapalit na nga ako." sabay alis pero pinigilan ko siya nang hindi ko namalayan kaya kinailangan ko na namang magpalusot... pero wala akong nasabi. "weird mo." sabi niya sabay ngiti at alis.

"alam ko." sabi ko. weird na nga talaga ako...

Nagpalit na rin ako kasi totoo rin naman talaga na makati yung costume. Nang pagbalik ko... nakita ko na naman yung lagi ko namang nakikita pero nakakainis at hindi ako masanay, sina Aj at Autumn magkasama na naman. Errrh! Bakit ko ba kasi binawi yung deal namin?...

Sisingit na nga lang ako sa kanila, medyo nag-eenjoy na kasi sila sa pag-uusap nila eh. "Bro! Kamusta naman ang cafe niyo?" tanong ko sa kanya.

Sumagot naman si Aj, "Ayun cafe pa din... at boring pa din..." sabi niya na may tamad na tamad na boses. boring naman talaga yung mga ganun pero mas gusto ko naman yun kaysa sa horror house... pero ayos na rin ako dito basta na'sakin si Autumn. "Gusto niyo bang gumala?" tanong ni Aj saming dalawa ni Autumn, "Libut-libot tayo dito sa school." sabi niya.

Bulok rin pala 'to dumiskarte eh. Isasama pa 'ko? Ayaw ba niyang ma-solo si Autumn?... weird pero ayos na rin para mabantayan ko sila.

Una kaming naglibot sa grounds ng school, dun puro pagkain kaya ayun kumain lang kami nang kumain, ayos nga yun eh... pero meron din akong hindi nagustuhan.

"I-try natin yan oh!" sabi ni Aj sabay turo dun sa parang fishball na hindi ko alam. Kumuha na ako pati siya pero si Autumn hindi, kaya tinanong ni Aj si Autumn, "ayaw mo?" sumagot naman si Autumn sa pamamagitan ng pag-iling, ibig sabihin gusto niya.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon