SP1.1

3.1K 36 2
                                    

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Special 1.1. The Devil Prince

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"Nakakuha ka na ng misyon?", tanong sakin ni Alexander.

"Hindi pa nga eh.", sagot ko naman. "Katamad magpunta sa taas eh.". Bigla niya 'kong binatukan. "Bakit mo naman ginawa yun?!".

"Wala lang. Natripan ko lang.", sagot niya sabay lipad palayo sakin gamit ang malalaki niyang pakpak.

"Napakasama talaga neto, kahit kailan...", bulong ko sa sarili ko na sa hindi malamang dahilan ay narinig ng matalas sa pandinig ni Alexander.

"Syempre, mga devil nga tayo, diba?".

Tumango nalang ako sa sinabi niya dahil yun naman talaga kami eh, mga devil kami na mga panggulo sa konsensya ng mga tao. Yung mga misyon namin ay ang ilayo ang mga tao sa paggawa ng kabutihan. Kalaban kami ng mga angel... at palagi nalang natatalo ang mga angel na yun kaya nakakatamad nang kumuha ng misyon eh.

Pero nanggagaling ang pagkain namin bilang reward sa isang misyon kaya kailangan din naming gumawa nun. Ayun, kumuha kami ng partner ko, kami ni Alexander.

"Ano'ng pangalan nung tao?", tanong ni Alexander na may kasama pang paniniko.

"Kenji Velazco.", sagot ko, "Isang batang laging nabubully at ang kailangan nating gawin ay sabihan siyang lumaban at siya naman ang maging bully.".

"Ganun lang? Ew.", pagyayabang niya. "Sinong gagawa sa'tin?". Bago pa 'ko nakasagot, "Ako na.", sabi niya sabay lipad papunta sa school ng mortal na 'yun.

Hindi ako sumunod kay Alexander, nakakatamad kasi eh. Gumala nalang ako sa lugar para mangtrip ng mga tao, kase hindi naman nila 'ko nakikita eh, depende nalang kung mataas na ang rank ko at pwede na'kong magpakita sa kanila... kaya lang nasa 3rd palang ako at naiinip na 'kong mag-2nd. Mga bagay lang ang pwedeng hawakan naming mga nasa 3rd rank.

Napadaan ako sa isang cafe at ginulo ko ang mga waiter dun. Pinadulas ko sa isang panyo yung waiter na may pangalang Tristan sa nameplate niya. Dahil sa ginawa ko, natapon sa customer niya yung juice na dala niya. "What do you think you're doing?", sabi nung babae na napatayo pa dahil sa galit.

Etong Tristan naman, todo punas sa damit nung babae. "I'm sorry. I'm really sorry, miss.". Nakakatawa ang itsura nilang dalawa, haha!

"Ano'ng ginagawa mo dito?!", sigaw ng isang lalaki na nakakuha ng atensyon ko. "At ikaw tigilan mo na ang anak ko!". Nakita kong hawak nung matandang lalaki ang isang teenager na babae sa braso, na anak niya ata. Tapos ayun nga sinabihan naman nung tatay yun ka-date ata nung anak niya.

Yung babae naman, napaiyak na. Syempre, nakakahiya nga naman eh, sa ganung lugar pa. Yung lalaking ka-date naman, walang ginawa.

Sa hindi malamang dahilan, napatitig ako dun sa babae at nang hindi ko namamalayan, sumusunod na pala ako sa kanila.

Natigil lang ako nang biglang may sumulpot sa harapan ko, "Uy! Anong ginagawa mo ha?!".

"Isod, Alexander!".

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon