Forty-Seven. The truth

2.7K 61 1
                                    

Writer's note: Guys! Thanks sa patuloy na suporta dito sa TEP! ^___^ At sana i-try niyong basahin yung bago kong story "In a Relationship with a Playboy"! Short story lang yan at everyday ang UD! :DD

&&&

previously on The Evil Prince...

Pumunta sa iba't-ibang lugar ang tropa ni Aj para pasayahin si Autumn kasi napansin nilang nalungkot siya dahil nga sa planong pagpapakasal nina Phoenix at Gale na magkasama pa araw-araw.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Forty-Seven. The truth

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"Yung totoo... Bakit? Bakit ka ganyan?", tanong ni Alexis, "Mahal mo si Autumn, diba?".

"A-ano?". Nawala na 'ko sa usapan namin. Hindi ko na alam kung ano'ng pinagsasasabi niya.

"Mahal mo siya pero hindi mo alam kung ano ang totoo niyang nararamdaman?", sabi ni Alexis, "Hindi mo alam kung ano ang totoo at hindi totoong ngiti niya?... Phoenix naman.".

May inabot siya sakin na picture, picture naming dalawa ni Autumn. Hindi na 'ko nag-bother kung pano niya nakuha yun pero tiningnan ko nalang ang magkaibang picture. "A-anong ibig mong sabihin?", tanong ko nang mapansin kong parang magkaiba nga ang ngiti ni Autumn sa dalawang picture.

"Hindi siya masaya.", sabi ni Alexis, "At nahihirapan na 'ko, Phoenix.".

"h-huh?".

"Ang hirap na sa bawat araw na pumupunta kami kina Alexander, nakikita ko siyang malungkot, nakasimangot.", sabi niya, "Gusto kong hindi nalang pansinin yun pero bigla-bigla nalang akong magsasabi ng 'Guys! Alis tayo ngayon! Bagong experience para kay Autumn!'. Araw-araw nalang ganun... ang hirap, pre.". Hindi ako makapagsalita dahil sa mga nalaman ko kaya nagpatuloy lang siya. "Sa tingin ko nga nagkakagusto na 'ko sa kanya eh... at yun nga yung mahirap... kasi mahal mo siya at mahal ka niya... wala akong lugar, diba?", sabi niya, "Hindi ko lang maintindihan... bakit ka ganyan, Phoenix? Wala ka man lang bang gagawin?... Malungkot si Autumn kasi namimiss ka na niya... bakit hindi ka man lang nagpaparamdam sa kanya?... Eh hindi ka naman niya matawagan, kasi baka mahuli ka pa daw ng daddy mo na nakikipag-usap sa kanya at baka mapahamak ka pa daw. Ikaw lang iniisip niya... Eh siya, naisip mo ba siya?". Para akong sinasaksak sa bawat salitang binibitawan ni Alexis kasi na-realize ko na wala akong alam sa nararamdaman ni Autumn. Pero ang sunod niyang sinabi ang dumurog sakin. "Akala mo ba hindi ko napapansin na... natututunan mo nang pakisamahan si Gale?", sabi niya, "Habang masaya kayo ni Gale, si Autumn naman, malungkot. Nakukuha mo ba ang ibig kong sabihin?...".

"Na wala akong pakealam kay Autumn?... yun ba?".

"Hindi. Wala. Pasensya na sa mga pinagsasabi ko, pero sana gumawa ka nang paraan.", sabi niya bigla at bumalik na siya sa dati niyang mood. "Sana nakinig ka sakin. Aalis na 'ko. Baka maiwan pa 'ko ng eroplano.".

Tumayo na siya at hinila ang maleta niya para umalis habang ako naman hindi makatayo sa kinauupuan ko dahil sa mga salitang yun. Nakatingin lang kao nun sa sahig at ilang segundo lang, may pumatak na tubig na sa sahig, lumuluha na'ko. "S-sorry.", yun nalang ang nasabi ko.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon