Twelve. Deal!

5.9K 96 1
                                    

Writer's note: Nakalimutan na yung school festival eh... hahaha! Tapusin na nga yung festival na yun! :3

&&&

previously on The Evil Prince...

Na-ospital si Phoenix dahil nahimatay siya. Binantayan siya ni Autumn nun pero nang dumating si Aj, wala na. Tapos parang pinag-agawan pa nila Aj at Phoenix yung atensyon ni Autumn, naisip kasi ni Phoenix na lumaban kay Aj eh. Nung pumasok na yung nurse, umalis na sina Autumn at Aj nang MAGKASAMA kaya naasar si Phoenix. Kumain sina Aj at Autumn sa isang restaurant na parang DATE.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Twelve. Deal!

Point of View:

 -Phoenix Villaflor-

Sunday. nandito ako ngayon sa isang cafe dahil...

toot toot

From: Miss Slooowww
May sasabihin ako sayo, Phoenix. Pupuntahan kita sa inyo...san ka ba nakatira?

Binigay ko ang address ko at nagpunta nga siya tapos dinala naman niya ako dito. Magcoconfess ba siya?

Lumipas na ang 15 minutes pero wala saming nagsasalita. Nakakainip. Sabihin mo nalang kasi na may gusto ka sakin... madali lang naman yun kasi gwapo naman yung nagugustuhan mo eh, perfect guy pa kamo!

Tumingin ako sa kanya at nagkatitigan kami. "Phoenix, sorry." sabi niya. Bakit kaya 'to nagso-sorry?... Nagsalita siya na para bang nabasa niya yung inisip ko, "Kasi ako ata yung may kasalanan kung bakit nagkasakit ka eh."

"Anung pinagsasasabi mo?" akala ko pa naman magco-confess na... badtrip naman. Pero ang weird niya ngayon... kahit lagi naman talaga siyang weird.

Ipinaliwanag niya kung pano niya naisip na siya ang may kasalanan at MEDYO TUGMA nga... TALAGA.

Takot ako sa horror house at ayoko ng katatakutan pero lagi naman akong sumasama kay Autumn sa pagdedecorate ng room na gagawing horror house. Tuwing umuuwi ako nun, hindi na'ko nakakakain ng hapunan... minsan kasi naiisip ko yung mga props na KADIRI. Hindi rin ako masyadong nakakatulog nang mahimbing sa gabi kasi nakakatakot isipin na mapapanaginipan ko yun... kaya nga lagi akong nale-late. Tapos dahil nga late na'ko hindi na 'ko nakakakain ng umagahan.

"sorry talaga." sabi ni Autumn na sincere naman. "dapat kasi hindi nalang kita tinest kung kaya mong tagalan at kung hindi ka talaga takot sa horror house..."

"baliw ka ba?" sabi ko sa kanya. "wala ka nam-----" teka nga! siguradong hihingi 'to ng tawad at syempre pwede akong humingi ng kapalit. Tumigil muna ako sa pagsasalita at nang nakaisip na ko ng pwedeng ipagawa sa kanya, "papatawarin lang kita kung... medyo lalayuan mo si Aj, medyo lang naman." dapat naman talaga medyo lang eh para hindi halata.

"huh?" pagtataka niya. "may galit ka ba kay Xander?"

Medyo nagulat ako sa tanong niyang yun... shet. Oo nga may nangyari dati, pero wala na sakin yun at isa pa ayoko rin naman dun sa Gale na yun. Anyway, "pano mo naman nasabi na may galit ako sa kanya?" saka kaya lang naman kita pinapalayo para hindi kayo madevelop sa isa't-isa eh... kasi pano ako nun? e-este yung plano ko! oo nga, yung plano!

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon