Twenty-Seven. Ferris Wheel

4K 62 2
                                    

Writer's note: sorry po... late na naman. :3

&&&

previously on The Evil Prince...

Gumawa ng project sina Phoenix at Autumn. Naging maayos naman ang pagi-interview nila kaya nagkaroon pa sila ng time para magpunta sa bahay ni Phoenix at mag-"bonding".

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Twenty-Seven. Ferris Wheel

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"Good morning, Prince."

Monday na naman... may pasok na naman... ayan na naman ang mga greetings. Hayyy, kung si Autumn ba naman ang nagsasabi sakin niyan eh.

Naramdaman niya na kaya na may gusto ako sa kanya? Sana naman para pantay na kami ni Aj. Anyway, meron naman akong plano eh.

Bigla kong naisip yung plano nang makita ko si Kenji. Ngiting-ngiti siya sakin... at ang "creepy" nun. Nilapitan ako ni Kenji. "Good morning! Phoenix!!", sabi niya na para bang nakainom siya ng maraming energy drink.

"Good morning.", sabi ko naman, "bakit ang saya mo?".

"Ganto kasi yun eh...", sabi niya tapos lumapit pa siya sakin para bumulong. "May nakita na kong necklace. Tingin ko nga bagay talaga sa kanya yun eh.", bulong ni Kenji. Pagkatapos ng pagbulong niya, lumayo na ako sa kanya... baka kasi may makakita pa samin at nakakahiya yun.

"Okay. Nice.", sabi ko, "Bilhin na natin mamaya.".

Napatigil siya sa sinabi ko pero wala naman akong maling sinabi. Tapos bigla-bigla nalang siyang nagsalita, "Ikaw naman, Phoenix. You're welcome, Bro!". Napa-huh nalang ako sa sinabi niya, parang nawawala siya sa sarili niya eh. Medyo natauhan naman siya sa pag-respond ko kaya napailing siya at saka sinabing, "ah... eh... akala ko nag-thank you ka eh.".

"Thanks."

"You're welcome!", pag-uulit ni Kenji. "Sige, balik na ko dun sa mga kausap ko.".

Limang minuto lang ang lumipas at dumating na si Autumn. Masaya akong makita siya pero hindi ako masaya sa nakikita ko ngayon. Magkasama kasi sila ni Aj. Palagi nalang Aj, Aj, Aj.

Inihatid ni Aj si Autumn sa room namin at saka siya umalis para magpunta sa room niya. Nang makaalis na si Aj, lumapit na ko kay Autumn. "Good morning.", sabi ko sa kanya.

"Good morning, Phoenix.", sagot naman niya sakin. "Thank you nga pala sa pagpapatuloy mo sakin sa bahay niyo.". Kinakausap niya ako pero hindi naman siya nakatingin sakin. Anung problema nito?

"ah, welcome.", sabi ko. At dahil medyo naaasar na ko sa hindi niya pakikipag-usap nang maayos, pinigilan ko muna siya sa pag-aayos ng mga libro niya. "Anung meron ngayon?", tanong ko sa kanya.

"chapter test.".

"huh? kailan sinabi?", tanong ko ulit. "Wala namang sinabi eh saka anung subject?".

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon