Twenty-Three. That shocked face

4.1K 74 9
                                    

Writer's note: Isa pang update para makabawi :))) Walang pasok ngayon eh. hehe :D Kaya nga lang... may pasok na naman kami sa saturday :3 kaasar. Anyway, thanks nga pala sa patuloy na pagsuporta ah, kahit nale-late ang mga update at ang iikli pa... thanks talaga :) Dapat kahapon pa 'to kaso nawalan kami ng internet :3

&&&

previously on The Evil Prince...

Niyakag ni Gale si Phoenix sa isang date. Naging maayos ang pakikitungo ni Phoenix kay Gale sa date nila pero nagulat silang dalawa sa huli. Nagulat si Gale dahil "i love you, Autumn" ang isinagot sa kanya ni Phoenix. At nagulat naman si Phoenix dahil bakit Autumn ang sinabi niya.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Twenty-Three. That shocked face

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Nakapagtataka...

Andaming nagbabasa ng School Paper ah at lahat pa sila ay nakatambay sa mga corridor. Puro lalaki pa. Hindi naman mahilig magbasa ng dyaryo ang mga 'to dati eh.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero napatigil rin nang marinig kong magsalita yung isang lalaki. "Maganda pala yung Autumn eh.", sabi niya, "at marunong pang magbasketball.".

Sumagot naman ang kausap niya, "dre! Wag ka! Tingnan mo 'to", sabi niya, "nakalagay dito na captain siya ng Girls' Basketball Team sa middle school niya.".

Natuwa yung lalaki at sinabing "Aba, Hanep!". Nagpatuloy pa siya sa pagsasalita, "diba... siya ang top 1 sa third year ngayon?". Sumagot yung kausap niya ng oo. "Heh! Astig, maligawan kaya 'to.", sabi niya.

"huh?", sabi nung isang lalaki. "Anong pinagsasasabi mo?", dagdag pa niya, "nililigawan kaya yan ni Alexander. Anong panama mo dun??", tapos binatukan niya yung kausap niya.

Nang naramdaman kong napansin na nila ako, nagpatuloy na ako sa paglalakad kasi baka kung ano pa ang sabihin nila tungkol sakin. Pati na yung pagkatalo ng team ko sa basketball against sa team ni Aj. Pati na rin yung pagtalo sakin ni Autumn sa pagiging top 1. Pati na rin yung kakaibang pakikitungo sakin ni Gale, na anak ng may-ari ng school.

Pagdating ko sa classroom, hinanap ko siya pero hindi ko siya makita. Bigla namang may sumulpot sa harapan ko, si Gale na naman. Hindi naman siya ang hinahanap ko eh... si Autumn naman eh. Ewan ko pero parang naiirita na ko kay Gale ngayon.

"Phoenix.", sabi niya, "gusto kong kaibiganin si Autumn.". Napa-huh nalang ako sa sinabi niya. "Gusto kong malaman kung sino ba samin ang mas karapat-dapat.", dagdag niya, "Mahal kita, Phoenix at hindi ako titigil na gawin yun.".

"Bahala ka, Gale.", sabi ko sa kanya. Alam kong napaiyak ko siya kagabi pero hindi naman ibig sabihin nun kailangan kong bumawi sa kanya. Isa pa, matagal ko naman nang ginagawa ang pagpapaiyak ng mga babae. "Ayoko munang kumausap ng kahit na sino.", sabi ko. Si Autumn ang gusto kong kausapin...

"Bakit, Phoenix?", tanong naman niya sa mataas na tono ng boses, "Si Autumn lang ang gusto mong kausapin??". Nagulat ako sa sinabi niya pero tumuloy nalang ako sa classroom. Hindi na siya nagsalita nang umalis ako. Mabuti naman.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon