Ten. I'm insane!

7K 120 6
                                    

Writer's note: Chapter Ten na! Uhhhhmmmm... gusto ko nga pala mag-thank you kay Angela Paola Ildefonso (oh, minention na kita! xD) at sa lahat pa ng nagbabasa nito :D hahaha! Ay! Saka Happy Happy Super Birthday kay Ginzy Javier! (oh, binati na kita xD) ngaun, December 14! hahaha! yung libre ah! ;)

&&&

previously on The Evil Prince...

pagkatapos ng conversation nina Autumn at Phoenix ay bumalik sila sa room pero parang hindi kaya ni Phoenix na makatagal dun sa room kaya naisip ni Autumn na magpunta sila sa canteen. Kumain sila dun at medyo nagkakulitan pero bigla namang dumating si Aj. Nabadtrip ng kaunti dun si Phoenix at nalinlang pa siya... akala niya hinalikan ni Aj si Autumn. Sa huli, nalaman ni Phoenix na may gusto na pala si Aj kay Autumn.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Ten. I'm insane!

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Nasa madilim akong room ngayon. Hmmmm, parang h-h-horror house?!

Tumakbo ako palabas pero bakit ganun.... walang labasan?!

Tumigil na ako sa pagtakbo at may napansin akong babae, hmmm, si Autumn!

Lalapitan ko na bale siya nang biglang may humawak sa kamay niya at pisngi niya at......

***

"Wahhh!!!" biglang sigaw ko kasabay ng biglaang pagkagising ko. "Ayoko nang matuloy yun... hindi pwede yun!" Shet! nanaginip pa ako! ay! binangungot pala! pano na yung plano ko nun?

Anyway, isang Errrh na araw 'to. Kailangan na naman magdecorate ng room. Kahapon pagkatapos ng pag-uusap namin ni Aj, kinailangan kong tiisin ang mga NAKAKATAKOT at NAKAKADIRING mga props dun sa room.

Kasi naman eh... alangan pabayaan ko lang yung maging close sila, syempre gumawa ako ng paraan para paghiwalayin sila... sinabi ko kay Autumn na bumalik na kami para tumulong sa pagdedecorate at pinabalik ko na rin si Aj. wala eh, gusto kong magtagumpay ang plano ko eh.

"Hayyy..." nakakabagot. "10:30 na!!!!!" sigaw ko matapos akong mapatingin sa orasan.

Nagmadali na ako sa paliligo at pagbibihis. Oh men... late na ako!

Mabilis naman ako nakarating sa school, ummm... mga 10:45 siguro. ambilis kasi magpatakbo ni kuya Rico kahit habang dumadaldal pa siya tungkol sa mga nabasa niyang novels. Simula nung natanong ko yung tungkol kay Autumn, yung plano... weekdays... walang humpay na dakdak.

Nang makarating kami sa school, dumiretso na agad ako sa room ko at... nakita ko na nga ang ayaw kong makita.

Si Aj at Autumn, magkasama na naman. Patay tayo nyan! Is he courting her?

Kainis!

"oi!" sigaw ko sa kanila kahit medyo malayo pa ako, "bro, Aj...." nakapag-brofist ako sa kanya at saka tumingin kay Autumn pero hindi diretso sa mata, "Autumn..." nakipag-apir ako sa kanya.

"wow!" nabiglang sabi ni Aj, "ang hyper ni Prince ah!"

"oo nga..." sabi ni Autumn calmly, "bakit Prince?"

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon