Announcement + 2nd Book Preview + Characters' Confessions

3.9K 57 6
                                    

Announcement!

Yes! Tapos na ang Book 1! At dahil sa pagpipilit niyo ng book 2 syempre, magkakaroon talaga! Kayo pa, eh ang lakas niyo sakin! ;D Sigurado na ang Book 2! (Nasa title na yun. Hindi na tuloy surprise.)

Anyway, ang title ng Book 2 ay The Not So Evil Prince. Para talaga sa inyo yun kaya sana subaybayan niyo rin katulad nitong book 1! Yung Teaser photo nga pala ay nasa External Link sa baba. Paki-tingnan nalang. Ang dapat niyo lang namang abangan sa Book 2 ay ang pagkikitang muli nina Phoenix at Autumn pagkatapos ng apat na taon. Pati na ang malalaking pagbabago sa buhay nila.

Sinong Excited?! Alam kong excited kayo, ganun rin naman ako! Pero baka sa susunod ko pa mapo-post yung Book 2. Pero kapag pinost ko naman yun, may chapter 1 na. :) At dahil pumapasok rin ako, every saturday lang ang update.

Yun lang. At eto na ang preview! Pasensya na kasi maikli lang.


***

2nd Book Preview

Inexplain ko kay Autumn ang mga nangyari pero wala naman siyang reaksyon. "H-hindi ka naniniwala?".

"Pasensya na, pero nagbago na 'ko.", sabi niya, "Hindi mo na 'ko maloloko ulit.". Tinalikuran niya 'ko pero pinigilan ko siya.

"S-sandali lang naman. Mahal naman talaga kita eh.".

"Hindi na tayo high school students.". Napa-iling siya. "Alam ko na kung ano ang tunay na pag-ibig.". Tuluyan niya na 'kong tinalikuran at iniwanan.

"Pasensya na rin pero ngayong nakita na ulit kita. Hindi na talaga kita papakawalan. Kung napa-ibig kita sakin noon, kaya kong ulitin yun.", sabi ko sa sarili ko.

"Sinong kausap mo?", tanong ng manager ko.

"A-ayun... wala.".


***

Characters' Confessions

 Rico "the Driver"
- Ang ganda ng bagong maid sa kapitbahay namin. Ay! Hindi pala. Ang ganda talaga ng mga eksena ko dito sa book 1. Puro nagda-drive! Sana meron pa 'kong scene sa 2nd book!

Mr. Valdez
- Extra lang ako dito. Tinulungan ko lang naman ang magaling ko'ng pamangkin sa kalokohan niya... kapalit ng laptop. Matagal ko na kayang gustong magkaron ng ganun!

Mr. Gallora
- Mga walang hiyang bata ang mga 'yun! Aba't! Gorilya daw ako?!... Tingnan ko nga sa salamin.

Ivan Aranda
- Matagal ko nang kilala si Phoenix, kasi apat na taon ko siyang naging kaklase sa apat na taon ko sa University at alam ko rin na ayaw niya talaga nang natatalo, kaya naman nung labanan ng mga sections ng basketball, nung na-injure ako at si Autumn. Nagulat talaga ako nang sabihin niyang ayos lang sa kanya na matalo... at kay Autumn niya lang sinabi yun.

Kyle Dan Valdez
- Bagay talaga sina kuya Phoenix at ate Autumn sa isa't-isa kaya nga nakakapagsisi kasi tinulungan ko si kuya Tristan dun sa plano na yun. Kasi naman eh, sabi niya kasi gagawin niya daw yun para sa mahal niya... at mahal ko rin naman si kuya, at gusto ko na makahanap na siya nang magmamahal sa kanya. Isang beses kasi na may niligawan siya tapos na-busted, hindi niya 'ko kinibo nang isang linggo. Ang lungkot kaya nun.

Tristan Lex Valdez
- Ang sakit kaya para sakin ng ginawa ko'ng yun. Utusan ba naman ako ng taong mahal ko na humalik ng ibang babae... Damn! Kung hindi ko lang talaga mahal si Gale, hindi naman mangyayari yun. Pero parang gusto ko na rin si Autumn dahil dun sa halik na yun...

Vince Penaranda "VP"
- Kaasar, nawala na 'ko sa mga huling chapters. Badtrip men!... Anyway, niligawan ko ang secretary ng student council na nerd at nagkataon naman na may gusto pala sakin yun, kaya ayun, KAMI NA. Mahilig  ako sa nerd.

John, Skye, and Jake Villaflor
- Badtrip. Si Alexis naging supporting actor pa! At binukod pa siya dito sa confessions na 'to!... Halatang favorite. Hay, anyway, isa lang naman ang dapat naming sabihin, adik talaga kami sa basketball saka mahilig rin maglaro sa mga arcade. Minsan, nag-uuwi kami ng mga tokens!

Alexis Villaflor
- Baliw talaga ang tatlong yun. Hmmm, sya nga pala (kasawa ang "anyway" eh), wala akong maico-confess na iba kundi... nagkagusto talaga 'ko kay Autumn. Kinilig nga 'ko dun sa kiss sa airport eh.

Nicole May Ilagan
- Ang gwapo talaga ni Phoenix... lalo na nung niligtas niya 'ko dun sa mga babaeng nambubully sakin. A-ay!! ang ibig kong sabihin, mahal na mahal ko talaga si Kenji.

Kenji Velazco
- Ansama ni Nicole... pero mas mahal ko siya kaysa sa mahal niya 'ko. Oh, ang swerte niya sakin, diba?! Kaya lang ako naman ang hindi swerte, palaging ubos pera ko sa date namin eh... baka  pulubi na 'ko sa 2nd book! NOOOO!

Allie Mendoza
- Sobrang crush ko talaga si Alexader dati. Kaya nga naglakas loob ako na magpatulong kay Kenji para mapalapit sa kanya eh. Mabuti na nga lang at tinulungan niya 'ko. Ang bait talaga nung taong yun. Dahil sa kanya, Xanxan ko na si Alexander ngayon!

Alexander James Hernandez
- Akala ko nung una, maarte si Allie at hindi kami magkakasundo pero mali pala 'ko. Tama, salamat nga kay Kenji dahil ngayon, Allie-oop ko na si Allie! Oo nga pala, syempre dapat may opinyon ako sa bida ng storyang 'to. Isa lang ang masasabi ko, GALIT TALAGA KO sa taong yun. Nito ko lang nalaman yung nangyari sa grad-ball, nakaalis na sila papuntang amerika nang malaman ko. Si Autumn kasi eh, hindi sinabi sakin! Kung nalaman ko 'yun, aba'y hindi na makakalipad yun... dahil sa graduation day palang....

Gale Aston
- Pasensya na sa maka-Aunix... pero nasakin na siya! Nagpakasal kami sa amerika. Tapos na ang Aunix! :P LePhoe na! Kayo nagbigay niyan ah!

Autumn Garcia
- Naramdaman ko na gusto ko na si Phoenix nang mga araw na hindi niya 'ko pinansin dahil nga dun sa hindi magandang pangyayari na ginawa ni Tristan. Sobra ko siyang na-miss nang mga araw na yun... at gustung-gusto ko talaga na magkabati kami. Nang pumayag siyang makipag-usap sakin sa park, sobrang natuwa ako nun kaya inantay ko talaga siya. Nang makita ko siya dun, napakasaya ko talaga kaya nasabi ko na gusto ko siya. Bigla nalang yun lumabas sa bibig ko pero masaya ako dun kasi napigilan nun ang pag-alis niya. Nang tumagal na nakasama ko siya, mas nagustuhan ko pa siya tapos nang tinanong niya 'ko kng gusto kong maging girlfriend niya, hindi ko yun tinanggihan kasi sabi ng puso ko, Oo. Ayun... hindi ko na siya gusto kasi mahal ko na siya.   

Phoenix Villaflor
- Alam niyo na ang talambuhay ko kaya wala na 'kong mashe-share. Pero isa lang naman ang palaging gusto kong malaman ng iba, Mahal ko si Autumn. SHIT. Naiiyak na 'ko... bakit ko ba siya sinuko?... bakit ba kasi hindi ko masuway si dad?... bakit ba kinailangan kong pakasalan si Gale?!... AHHHHH!


The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon