Sixteen. First Kiss

5.5K 101 4
                                    

Writer's note: Chapter Sixteen na po tayo! :D Sana po ay nagagandahan kayo sa takbo ng story! :) Sana po ipagpatuloy niyo ang pagsuporta! :) Feel free po to comment kung may nais po kayong sabihin! :) And kung nagagandahan naman po kayo, vote niyo lang po! :) Hindi ko po kayo pinipilit ah... KUNG lang po :DD Thanks po sa pag-support! Help me po para itaguyod ang The Evil Prince!! :DD Haha! Thanks po talaga!

&&&

previously on The Evil Prince...

Napiling prince si Phoenix sa stage play na Cinderella, na class project nila, kasi nga kilala siyang Prince sa school. Nag-away pa ang mga babae sa kung sinong gaganap na Cinderella pero ang napili ni class rep Kenji ay si Autumn.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Sixteen. First Kiss

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"President Prince Phoenix!" sabi ni Aj na tumatakbo sa hallway papunta sa'kin. "Ayos, diba?... Sama-sama na yung mga katangian mo." sabi niya nang sobrang ngiti, ang saya-saya niya ngayon ah..., "Cinderella yung sa inyo diba? edi ikaw ang prince?" tanong niya.

"ganun na nga..." sagot ko. Tinanong niya 'ko kung sino daw ang gaganap na cinderella at hindi ko alam ang isasagot ko dahil si Autumn nga ang gaganap. Iisipin niya kasi na inaagaw ko sa kanya si Autumn kaya sinabi ko, "s-si Allie." saka naawa nga ako sa kanya kasi gawa nung sinabi niya sakin bago kami mag-field trip. Tapos....

"Engot ka, President Prince Phoenix Aquino Villaflor." sabi niya na ikinabigla ko, anong problema nito?!... "si Autumn kaya yung gaganap." Sa pagsabi niya nun ay mas lalo akong nagulat kasi pano niya nalaman?... "Tinext ko siya kagabi at sabi niya, siya daw si Cinderella."

"Ahh... ganun ba." sabi ko naman. "Ayos lang sayo?"

"oo naman." sagot niya na sinundan niya ng, "sakin lang naman siya eh. saka wala ka namang gusto sa kanya." sabi niya na medyo natatawa pa, "saka tulad ng dati kong sinabi, wala naman siyang gusto sayo."

Nakitawa nalang ako sa kanya, "sabi ko nga." sabi ko kahit na naiinis ako sa mga binitawan niyang salita... pero sa isip ko naman, wala naman talaga siyang gusto sakin eh

"pero para makasigurado..." sabi niya, "akin siya ah." tapos umalis na siya at nagpunta na sa classroom niya kasi magsisimula na ang practice.

Shit. oo na, nasabi mo yan sakin dati eh.

Nagpunta na rin ako sa classroom namin para makapag-practice... wala pang tao. Tapos biglang may lumapit sakin na feeling ko ay uminit na naman ang mukha ko, "Phoenix." sabi ni Autumn, "saulo mo na lines mo?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya kasi baka makita niya na namumula ako. "Oo." sabi ko, "madali lang naman yan eh."

"ganun ba." sabi niya tapos umupo na siya dun sa isang sulok at saka siya nagsaulo. Nawi-weird-uhan talaga ako dito... kaya naman nilapitan ko siya at tinanong naman niya ako, "bakit?"

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon