Forty-Six. Pooh

2.7K 55 2
                                    

Writer's note: <3 <3 <3 Guys, the best kayo. Promise!

&&&

previously on The Evil Prince...

Grounded si Phoenix kasama si Gale dahil sa desisyon ng tatay niya. Pinalayo din siya kina Autumn at Alexander dahil magnanakaw daw ang tatay nito. Nalaman ni Autumn na ipakakasal pala si Phoenix kay Gale kaya nalungkot siya pero mabuti nalang at kasama niya si Alexis nung oras na yun.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Forty-Six. Pooh

Point of View:

-Autumn Garcia-

Simula nung araw na tumawag si Phoenix at sabihin niya yun, palagi na 'kong niyayakag ng mga pinsan niya at ni kuya na gumala. Naiintindihan ko naman kung bakit. Kasi naman palagi nalang akong tahimik lang at walang ginagawa sa bahay kaya, siguro, gusto nila 'kong pasayahin.


***

Kinabukasan nung araw na yun, nagpunta kami sa isang bowling alley. Pagdating namin dun, kumuha kami ng bowling shoes sa counter at saka kami naglaro.

"Strike!", sigaw ni Jake sabay talon pa. "Talunin mo yun, Alexis.".

Tumayo naman si Alexis at tinapik sa balikat si Jake, "Ako pa hinamon mo?...nakunaman.". Dahil sa sinabi niyang nakunaman, naalala ko si Phoenix. Sayang at hindi namin siya kasama. Pumwesto na si Alexis at bumwelo saka pinagulong ang bola. "Oh, kainin mo, Jake.", sabi niya kay Jake sabay abot ng kinuha niyang bowling ball pagkatapos maka-strike.

"Yabang.", sabi naman ni Jake sabay tulak ng bola pabalik kay Alexis. "Sinuwerte ka lang.", sabi niya, "Tandaan mo yan. May araw ka rin sakin.".

Dumila lang si Alexis sa mga sinabi ni Jake. "Oh, dapat i-try mo.", sabi ni Alexis sakin pagkatapos niyang asarin si Jake. Kinuha ko naman yung inaabot niyang bola pero ang bigat pala nun kaya muntik ko nang maibagsak. "Mabigat ba?... sorry.". Tinulungan niyang 'kong buhatin yung bola.

"Lagot ka kay Phoenix.", sabi ni Skye, "Kamay mo.".

Napatingin kaming dalawa at hawak pala niya ang kamay ko. Bumitaw siya agad kaya nabitawan ko na rin yung bola. "Pasensy------ahh!". Gumulong sa paa niya yung bowling ball.

"H-hala. Sorry!", sabi ko tapos pinaupo ko siya sa upuan.

Tatanggalin ko sana ang sapatos niya para tingnan kung anong nangyari sa paa niya pero pinigilan niya 'ko. "Okay na 'ko. Okay na 'ko.", sabi niya tapos pinatayo niya na 'ko at pinaupo sa tabi niya, "Masaya ka ba?". Nagtaka ako dahil bigla-bigla naman ang tanong niya. "Sabi ko na nga ba eh, dapat sa ibang lugar nalang.", sabi niya.


***

Kinabukasan nun ay nagpunta naman kami sa isang Arcade para dun magsaya. Bumili si kuya ng mga tokens tapos pinaghati-hatian namin yun at nagbilang ng 1-3 para sa partners, at eto ang resulta.

1. Alexander and Jake
2. Autumn and Alexis
3. John and Skye

"Paramihan ng tickets na maiipon!", sabi ni John, "Ang may pinakamaunti, manlilibre ng hapunan!". Tinaas niya ang kanang kamay niya at sinabing, "Okay!", hudyat na pwede na kaming magsimula.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon