Seven. What a drama!

7.8K 151 2
                                    

Writer's note: Chaaaappppttteeerrr SEVEN na! Humahaba na, yay! Enjoy po sa pagbabasa :D

&&&

previously on The Evil Prince...

Ilang araw nang absent si Alexander kaya naman binisita siya nina Autumn at Phoenix. Nung nandun na sila sa bahay ni Alexader, parang hangin na lang si Phoenix kasi sina Autumn at Alexander lang ang nag-uusap. (Si Autumn lang naman kasi ang may balak na pumunta dun eh... sumabit lang si Phoenix)

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Seven. What a drama!

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Kung mangyaring ligawan ni Aj si Autumn at sagutin siya ni Autumn.... basag ang plano ko! Hindi pwedeng mangyari yun... Errrh! Pero siguro naman ay hindi gagawin yun ni Aj, PERO posibl---------

"Mr. President, Prince Phoenix, nasa meeting po tayo ngayon."

Ay shet! Nandito nga pala ako sa SCR (Student Council Room). Nagme-meeting na kami para sa school festival na gaganapin sa thursday, friday, at saturday... next week. Napagsabihan pa tuloy ako nitong VP ko na'to...

"Ah...sorry. Let's continue... ... ..."

Nang matapos ang pagmi-meeting namin, agad naming ibinaba yun sa buong campus over the mic.

Attention: Students of University. Our School Festival will be held on thursday, friday, and saturday next week. It wil be held NEXT WEEK, meaning, this week will be the preparation week. Every class must have a meeting on what they will be holding for this year's school festival, the meeting will be after class hours led by the class representatives . There will be no subject classes tomorrow...  Thank you.

Kahit hindi namin naririnig, alam naming nagsisigawan ang mga estudyante... lagi namang inaabangan 'tong school festival eh, naglalaan pa ang school ng one week of preparation.

Lumabas na'ko dito sa room, at naglakad na papunta sa cafeteria. LUNCH TIME na!

 Anyway, balik sa iniisip ko kanina... siguro lalayo muna 'ko kay Autumn. Hindi ko alam kung anung sasabihin ko kung magkita ka------- eto na nga.

 "Ah...Phoenix." sabi niya sakin nang makita niya 'ko, "ummm, ano... pwede ba tayong sabay na kumain?"

"eh?!" kailangan ko'ng humindi... "ayo----okay." what the heck? anyare?

Ah eh... tama lang siguro. Kailangan kong umi-score sa kanya eh. Tama nga. Tama nga ang sinagot ko. PERO DAPAT TALAGANG LAYUAN KO SIYA EH.

"talaga?" nagtatakang tanong sakin ni Autumn.

"Honestly, gusto kong umiw------ah! gusto kong kumain sa rooftop! Oo, yun nga!" dapat tumanggi na 'ko ah.

"sige. tara na."

"bibili pa'ko sa cafeteria." ayun! tapos hindi na'ko babalik.

Maglalakad na sana 'ko papunta sa cafeteria pero bigla nalang hinigit ni Autumn ang polo ko.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon