Thirty-Five. She's mine

4K 65 3
                                    

Writer's note: Sorry po... late na naman. Hindi na nga ako magsasabi ng araw ng update para hindi kayo magsayang ng oras sa pag-aantay sa araw na yun... saka lagi nalang akong taliwas sa sinabi ko. :3 Pero magbibigay naman ako ng senyas kung meron nang UD. :))))

&&&

previously on The Evil Prince...

Nagkaroon ang magkakaibigan na Phoenix, Alexander, Autumn, at Kenji ng group study sa bahay ng mga Hernandez pero nauwi rin yun sa paglalaro. Nag-sleepover din sila dun pero hindi nakasama si Kenji dahil hindi pinayagan. Lumipas naman ang mga araw. May natuklasang bago si Phoenix, akala niya nung una, wala na siyang magiging kaagaw kay Autumn pero biglang may sumingit na Tristan.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Thirty-Five. She's mine

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Pagkatapos na pagkatapos ng klase, nagpunta na kami ni Autumn sa bahay ng tutee niya na si Kyle. Sumama ako para makilala yung Tristan na yun.

Sumalubong samin si Mrs. Valdez, ang nanay ni Kyle, sa gate. Nakalagay sa tabi ng doorbell, Valdez Residence, kaya Mrs. Valdez na ang itatawag ko.

"Autumn, nasa loob si Kyle.", sabi ni Mrs. Valdez na parang paalis. Tumingin siya sakin at ngumiti. Sinagot ko rin naman siya ng ngiti. "Aalis muna ako para sunduin ang asawa ko.", sabi niya, "Sige. Tumuloy na kayo.".

Nagpaalam na kami kay Mrs. Valdez at nagpunta na sa bahay. Isang lalaking matangkad, maputi pero hindi kaputian, taas-taas ang buhok. Parang malaking version ni Kyle.

Napatingin siya sakin. Eto siguro yung, "Tristan.", sabi niya sabay abot ng kamay sakin para makipag-shake hands.

"Ah. Phoenix.", sabi ko naman. Nakipag-shake hands ako sa kanya.

"Pasok kayo.", sabi niya samin. Pumasok kami. "Nasa study room na si Kyle.", sabi niya kay Autumn.

"Sige.", sagot naman ni Autumn tapos dumiretso na siya sa study room.

Susundan ko na bale siya pero bigla nalang akong tinanong nitong Tristan, "Boyfriend ka niya?".

Nabigla ako sa tanong niya. Ano'ng dapat kong isagot? Kung sasabihin kong oo, baka magalit sakin si Autumn kasi hindi naman yun totoo, magagalit siya dahil sa pagsisinungaling ko. Kung sasabihin ko namang hindi, baka ligawan naman nito si Autumn.

Kahit na nalilito ako sa isasagot, mas pinili ko pa ring isagot ang, "Hindi.". Okay lang na ligawan niya si Autumn basta hindi magalit sakin si Autumn. Wala namang gusto si Autumn sa kanya kaya hindi niya rin yun sasagutin... p-parang a-ako lang.

"Ah. Edi kaibigan?", tanong niya.

"Ganun na nga.", sagot ko. Tumango lang siya, tapos niyakag niya 'kong umupo sa sala. "Salamat.".

"Ano bang gusto niya sa lalaki?", tanong niya na nakapagpasamid sakin. "Oh, bakit?", sabi niya. Tumawag siya ng maid at sinabing, "padala po ng inumin dito.".

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon