Forty-Eight. Kisses

3.1K 62 5
                                    

Writer's note: Pasensya na... na-late ang ud... :I

&&&

previously on The Evil Prince...

Gustong ipa-realize ni Alexis kay Phoenix na dapat siyang gumawa ng daan para sa kanilang dalawa ni Autumn kaya kinausap niya ito. Nagdesisyon din si Alexis na umalis pagkatapos nun, dahil sa nararamdaman niya para kay Autumn na maaari pang lumala. Naghahanda na para sa pagsalubong sa bagong taon sina Alexander.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Forty-Eight. Kisses

Point of View:

-Autumn Garcia-

"Dyarrraaannn~!", sabi nang magkakadikit na sina John, Jake, at Skye. Tapos naghiwa-hiwalay sila at sa likod pala nila, nakatayo si Alexis.

"Nakakaasar talaga kayo, promise.", sabi ni Alexis sa tatlo. Nagulat nalang kaming dalawa ni kuya. "Ipapaliwanag ko. Pero para maikli, kagagawan lang talaga ng tatlong 'to.".

"Hindi nga.", sabi ni kuya, "Bakit ka nandito?".

"Pina-cancel ni daddy ang flight ko kasi hiniling ng tatlong 'to.", paliwanag niya, "Tapos nang tinatawagan ko sila para sunduin ako, hindi sila sumasagot kaya hanggang gabi nasa airport ako.". Hinila niya si Jake at ginulo-gulo ang buhok nito. "Mabuti nalang, sinundo ako ng isang 'to... kaya lang, kasama pala yun sa plano nila.", sabi ni Alexis, "Gabing-gabi na kami nakauwi kaya napasarap ang pagtulog ko tapos hindi nila 'ko ginising kaya ngayon lang ako nakapunta.".

"Ganun pala?", sabi ni kuya. "Anyway, wala naman talaga 'kong pakealam dun.", nagbiro pa siya, "Tulungan mo nalang ako dito sa pagluluto.".

Hindi nakinig si Alexis sa sinabi ni kuya at nilapitan niya lang ako, "Ibang tao ang ine-expect mo, tama?", sabi niya, "Huwag kang mag-alala, darating yun... dahil kung hindi, makakatanggap siya ng regalo mula sakin na... hindi niya magugustuhan.".

"A-ah.".

"Mga 11:30 siguro, nandito na yun.", sabi niya, "10 na. isang oras at kalahati nalang.". Pagkatapos niyang sabihin yun sakin, bigla nalang siyang hinila ni kuya at pinilit na tumulong sa kanya. "Oo na nga, Alexander. Namiss mo naman ata ako agad!", pagbibiro niya. "Ah!". Binatukan siya ni kuya at pinagtawanan naman siya ng iba.

Pero tama nga si Alexis, iba nga ang inexpect ko. Akala ko kasi si Phoenix eh. Pero sabi niya, dadating daw si Phoenix... makarating nga kaya yun?

Niyakag nila 'ko sa loob ng bahay para dun magpalipas ng oras. "Mamaya nalang tayo lumabas, pag-11:30 na!", sabi ni John, "Para makapaghanda tayo ng mga paputok!". Sumang-ayon naman kami sa kanya. "Ay eto nga pala, kisses.", sabi niya tapos nagpatong siya ng isang balot ng hershey's kisses sa lamesa, "Tatanungin ko kayo ng mga trivia questions at kung sino ang makakasagot, kukuha ng isang kisses.".

"At ano namang mga tanong?", sabi ni Skye habang pasimpleng kumuha ng mga piraso ng chocolate na hindi naman napansin ni John.

Tinularan naman ni Alexis ang ginawa ni Skye. "May lifelines?", tanong niya, "Yung parang sa game show.".

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon