Forty-Nine. I want to hear it again

2.9K 58 3
                                    

Writer's note: Malapit na tayong mag-40k! :D Thanks sa super support niyo! n__n

&&&

previously on The Evil Prince...

Gumawa ng paraan si Phoenix para makita si Autumn at tinanong niya na ito kung pwedeng maging girlfriend at oo naman ang naging sagot ni Autumn.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Forty-Nine. I want to hear it again

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"Oh, ano na?", tanong ni Alexis sa'min pagkalabas namin.

"Inaabangan niyo talaga kaming lumabas?", pagbabalik ko naman ng tanong. Lahat kasi sila nakapila nang sunud-sunod. "Akala ko ba maghahan----".

Naputol ang sasabihin ko dahil sa pagsigaw ni John, "Couple rings!!!", na hawak ang kamay ko pati na ang kay Autumn. "This calls for a celebration!!", sabi niya.

"OKAY!".

Ayun nga. Magtu-twelve na rin naman kasi nun kaya nagpaputok na kami. "Ang ganda nun nuh?", sabi ni Autumn. Nakatayo lang kaming dalawa sa isang tabi habang yung iba ang siging-sige sa pagpapaputok. "Parang hugis ice cream.".

"Humarap ka sakin.", sabi ko na ginawa naman niya. Inayos ko nang kaunti ang buhok niya at sinabing, "Mas maganda ka.". Hindi nagsalita si Autumn pero nag-blush naman siya. Kumuha ako ng lusis at pansindi. "Tara sa likod.", sabi ko.

"Okay.", sabi niya tapos pinauna ko na siya sa paglalakad. Sumabay na rin ako sa pace ng paglalakad niya nang nawala na kami sa paningin ng mga adik sa paputok na yun tapos hinawakan ko ang kamay niya. "Bakit?", pagtataka naman ni Autumn, "Gusto mo ng chocolate?...", dumukot siya sa kabila niyang bulsa at sinabing, "Eto oh.".

"Ah. Hindi.", sabi ko naman, "G-gusto ko lang makipag-holding hands sa g-girlfriend ko.". Nakunaman... ayaw mo ba?

"Ah... okay.", sabi niya tapos nakipag-holding hands na siya sakin. Syet! Kinikilig ako!. Pagdating namin sa likod ng bahay, umupo kami sa grass at sumandal naman sa pader ng bahay. Nagsindi ako ng lusis at inabutan ko siya ng isa. "Phoenix.", sabi ni Autumn, "Ano bang ginagawa ng girlfriend?".

"E-eh?". Wala akong maisagot sa kanya. "Hindi ko alam.".

"Hmmm. Yung dati mong mga girlfriend, anong ginagawa nila bilang girlfriend?".

Maka-mga naman 'tong si Autumn eh, hindi naman ako mahilig sa ganyan. "A-ah. Kasi... wala pa 'kong nagiging girlfriend eh.", sagot ko, "Ikaw ang una at huli.".

"Okay.", sabi ni Autumn, "Ganun ka rin para sakin.". Ngumiti siya. Yung ngiti na walang dudang totoo talaga, hindi katulad sa mga picture na kinuha ni Alexis. Tapos naisip ko na kaya hindi ko alam yung ngiti niyang may halong lungkot, kasi sa tuwing magkasama kami, palagi siyang masaya. Naku! Si Alexis talaga, pamali-mali...

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon