Eleven. The Battle Begins

6.1K 114 7
                                    

Writer's note: ang imba ni Phoenix noh? Nababaliw na! xD hahaha! joke! Anu bang gusto nio AuNix (Autumn and Phoenix) or AuXan (Autumn and Xander)??? sorry kung corny ng pinagsamang names nila na inembento ko ^-^... magsuggest naman po kau... :)

&&&

previously on The Evil Prince...

Dumaan na ang isang linggo ng preparation para sa school festival pero nagdesisyon ang klase ni Phoenix at Autumn na mag-ayos pa sa sabado. Kahit hindi kaya ni Phoenix, nagpunta pa rin siya kasi tinawagan siya ni Autumn at sinabing siya nalang ang hinihintay. Nang makarating siya dun sa school, hindi na kinayanan ni Phoenix at nawala siya sa sarili niya.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Eleven. The Battle Begins

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Ansakit ng ulo ko ah... anu bang nangyari...

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang ceiling, puting-puti ah. Tumingin ako sa kanan ko at nakita si...

"gising ka na pala..." sabi ni Autumn habang pinupunasan niya yung eyeglasses niya. wow... ngayon ko lang 'to nakita na magtanggal ng salamin ah. sinuot niya rin naman yun ulit agad. "gusto mo ng tubig?" tanong niya sakin habang ipinapatong ang kamay niya sa noo ko.

"Bakit ako nandito?" tinanong ko sa kanya, "akala ko ba may practice? sa school? horror house?"

Inexplain niya sakin ang mga nangyari. Nawala daw ako sa sarili ko... kung anu-ano daw ang pinagsasabi ko. Nahimatay pa daw ako kaya hindi niya na nalaman yung gagawin niya pero mabuti nalang at bumalik daw si kuya Rico, naiwanan ko pala yung wallet ko nun kaya bumalik si kuya Rico para ibigay sakin. Nagpatulong daw 'tong si Autumn kay kuya Rico at dinala na ko dito sa Medical Center.

"ganun pala..." anu kayang mga pinagsasabi ko nun?... kapag pa naman ganun ako, yung mga nararamdaman ko yung sinasabi ko. anu nga kaya?... kaso nakakahiya tanungin.

"Ayos ka na ba?" tanong sakin ni Autumn. "gusto mo kumain?"

"Oo. ayos na 'ko." sabi ko sa kanya, "nurse ka ba dito?" pagbibiro ko'ng tanong. Umiling naman siya na parang seryoso lang ang sinabi ko. "joke yun. baliw."

Ngumiti lang siya. Kinuha niya yung pagkain sa side table... lugaw ata. Tapos sinabi niyang "ahh..."

What the...?! susubuan ako?! WAIT! 'Di kaya may gusto na 'to sakin?.... Ayos din. 

I opened my mouth na at isusubo niya na bale yung kutsara na may lugaw pero biglang may pumasok na intruder, "sir Phoenix." sabi ni kuya Rico. Buti nalang at si kuya Rico lang, akala ko si dad o kaya si Aj eh. "tatawagan ko po ba ang dad nio?" umiling ako bilang sagot sa tanong ni kuya Rico. At sumenyas na umalis na siya. "okay po."

Ayoko ngang magpunta dito si dad! Baka kung ano pang i-sermon sakin nun... nandito pa naman si Autumn, nakakahiya na... fail pa ang plano. Saka solo ko na nga si Autumn eh... este mas mapapaibig ko si Autumn kung mas marami kaming time na pinagsamahan, yung kami lang.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon