Chapter 3

157 6 0
                                    


AFTER ONE WEEK~

STEFFI'S POV:

Ngiting ngiti ako habang nakaupo lang ako sa klase. Katatapos lang ng quiz namin and inaannouce na ni Sir yung mga scores namin.

"..and the highest--??" Natigilan yung prof ko sandali saka niya ako nilingon nang nanlalaki ang mga mata. Hahahaha, ngingiti ngiti ko namang hinintay na banggitin niya na yung pangalan ko. "MS.STEFFI COLLINS?!!"

"Aha, that's my name Sir." Hahahahaha, gulat na gulat si panot oh? Hahahaha! "Yes Sir? Ano pong score ko?"

"YOU PERFECT THE LONG QUIZ!?" Hahahahaha, Gosh! Napatayo ako sa sobrang saya! Hooray! Isa itong HIMALA! Hahahaha-- "MS. COLLINS!!?"

"Yes Sir?" Ngiting wagas kong abang sa sasabihin niya. Waaaa! Ang galing galing ko diba? Diba panot diba--

"ARE YOU CHEATING IN MY CLASS!?"

(O_O)!??

"What the hell Sir!?" Hindi ko napigilang isigaw. Ang kapal ng mukha nito!? "Excuse me lang ho Sir.. pero pinaghirapan ko yan!"

"ARE YOU SURE!?"

"Eh gago pala to eh?" Inis kong bulong sa gilid ko. Konting konti nalang hindi ko na mabubulong yun. "Kinausap niyo ho ako diba?" Ayoko siyang bastusin pero naiinis talaga ako! "Kinausap niyo ako.. ang sabi niyo mag aral na akong mabuti.. na magseryoso na ako. Ngayong inayos ko naman ang pag aaral-- PAGDUDUDAHAN NIYO AKO!?"

"Uy Girl, kalma." Awat sakin ni Jasmine pero hindi ko siya pinakinggan.

"Yung totoo Sir, ano ho bang gusto niyo talaga!? Mag aral o magloko!? Ang gulo niyo rin kausap eh!"

"Ms. Collins, hindi mo ako masisisi kung magtanong ako ng ganito dahil hindi ko inasahang matatama mo lahat ng items sa exam ko--"

"Natama ko yan lahat dahil nag aral ako!" Nanggigigil kong sigaw sa kanya. Wala na akong pakialam kung nakatingin na sakin ang lahat basta ang alam ko lang ay naiinis ako! "Kung nandaya ako, dapat noon ko pa ginawa pero hindi! Kahit wala akong maisip na sagot noon sa quiz mo, hindi ako nangopya o nandaya! Kahit inis na inis na ako sa mga pang board exam mong pa-quiz-- HINDI AKO NANGOPYA!"

"Uy girl.." Sabi ni Grace saka niya hinawakan yung palad ko.

"Ms. Collins, okay. Im sorry--"

"No! After you ruined my day!? No! Sorry din Sir but you don't deserve to be a Professor!" Sigaw ko pa saka ako lumabas sa classroom namin.

Hindi ko maipaliwanag yung kakaibang bigat na nandito sa loob ng dibdib ko ngayon.. yung parang gusto kong manuntok para mailabas yung sama ng loob ko pero hindi ko alam kung paano o kung sino yung susuntukin ko?

HOW DARE THAT HAIRLESS MAN!?

PINAGHIRAPAN KO YON!

PINAGHIRAPAN NAMIN NI NERD YON!

TAPOS SASABIHIN NIYANG NANG-CHEAT AKO!?

"Dammit!" Inis kong tadyak sa locker ko. I mean, locker pala ng iba kasi nasa taas yung locker ko. Malay ko kung kanino yung locker sa baba na sinipa ko.

>___<

Pero.. brrr! Nanggigigil talaga ako! Tss, sinong gaganahang mag aral kung pagdududahan lang niya yung kakayahan ko?! Sinabi niyang mag aral ako. Kahit passing lang daw! Tapos ngayong nagseryoso na ako sasabihan niya akong cheater!?

Excuse me lang ah PERO WALA SA TYPE A BLOOD KO ANG PAGCHI-CHEAT NO!?

>___<

"Oh.."

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon