STEFFI'S POV~"Nerd!" Sigaw ko nang makita ko siyang naglalakad papunta sa field. Mabilis naman niya akong nilingon. "Nerd.."
"Steffi.." bati niya sakin nang makarating na ako sa harapan niya. "Saan ka galing? Pinuntahan kita sa gym kanina kaso wala ka naman. Pupuntahan na sana kita sa f-field-- Steffi??" Natitigilan niyang sambit nang yumakap ako sa kanya. "B-bakit? A-anong nangyari??"
"Nerd.. i'm so stupid."
"Ha? M-may nagsabi sayo ng s-stupid? S-sino??"
Mahina akong natawa saka ako lalong yumakap ng mahigpit sa kanya. "Naglalambing ako nerd, wag mo akong patawanin..
"Hehehehe.." saka niya ginantihan yung higpit ng yakap ko. Maya maya pa'y bumulong siya na kaming dalawa lang ang makakarinig. "PDA tayo."
"Yaan mo sila, wala pa namang klase eh, saka wala akong pake. Ang importante, mayakap kita." Hindi na siya nagsalita at mas humigpitan nalang yung pagkakayakap niya sakin. Sandali naman akong napapikit dahil sobrang sarap sa pakiramdam. Parang akong ligtas sa mga bisig niya, napakasaya sa pakiramdam. "Nerd.."
"Hmn?"
Nag angat ako ng tingin sa kanya at tiningnan niya rin ako. Parang bata naman akong napanguso. "Halika na.. samahan kita sa auditorium. Nagpa-practice na sila dun hindi ka man lang nila sinabihan.."
"S-steffi.." nagugulat niyang sambit. "U-umalis na ako sa drama club kahapon--"
"Pinayagan ka ba nilang umalis?"
"H-hindi.. p-pero--"
"Nah, halika na." Sabi ko saka ko siya hinila papunta sa auditorium. "Sige ka, baka magbago pa yung isip ko."
"P-pinapayagan mo na a-ako?" Natawa ako kahit hindi ko siya nakikita. Nasa likod ko kasi siya at nauuna naman akong maglakad habang hawak ko ang kamay niya. "S-steffi-- seryoso ka??"
"Ayaw mo?"
"G-gusto.. p-pero--"
"Aish, kapag gusto mo talaga. Gusto ko na rin kaya dalian mo na. Baka wala na tayong maabutan.."
-------
AT AUDITORIUM~
"A-ahhh, a-ano kase. Uhh?" Nauutal at nahihiyang sambit ni nerd habang nakatayo kami sa harapan, sa mismong baba ng stage. Nasa taas pa rin kasi ang lahat at nagpapractice pa rin sila nang maabutan namin. Lahat tuloy sila napahinto sa kanya kanya nilang ginagawa at naghihintay sa sasabihin ni Nerd sa kanila. "A-ako, uhmm.. p-pwede pa ba a-akong.. uhh? A-ano---"
"Oh, salo!" Nagulat kami at napasalo nalang si nerd nang hinagisan siya ni Bella ng parang tela. "Sukat mo na yung costume mo at umakyat ka na dito! Bukas na yung play at malilintikan ka sakin kapag hindi ka nakahabol ngayon."
"B-bella--"
"Aish, dalian mo Miggy! Magpapractice pa tayo sa mga eksena natin, uggh! Naiistress ako sainyo.."
Nilingon ko naman si Nerd at nakita ko kung paanong unti unting lumalabas sa labi niya ang pinakamatamis niyang ngiti. "O-oo, oo! Susukatin ko na ngayon--"
"Dalian mo Miggy!"
"Oo, oo hehehe..sige.." nakangiti at masayang masaya niyang sambit saka niya ako magiliw nilingon. "S-steffi, sandali lang ha, i-isusukat ko lang 'tong costume--"
Napangiti nalang din ako. "Hmn, sige. Hihintayin kita dito." Turo ko sa isang upuan na malapit sa stage. "Titingnan ko kung babagay sayo.."
"Hehehe, sige sige.. uhm, i-iloveyou." Masaya niyang sambit saka niya ako hinalikan sa pisngi. "Thankyou, thankyou Steffi."
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Romance"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...