Chapter 31

101 3 1
                                    

STEFFI'S POV:

2 months.

8 weeks.

60 days.

1234567890 hours.

@&#*$+%+%(#@ minutes.

TT____TT

Calling....

NERD KONG MAHAL ❤

"H-hello--"

"Nerrrddddd!"

"Oh? Hahahahaha!"

"Skype tayooo!" Nakasimangot kong sabi saka ko sinubo yung cake na inorder ko. "Miss na kitaaaa!"

"Miss you more."

"Sus! Di mo naman yata ako namimiss eh!"

"Hahahaha, miss na kaya kita."

"Eh bakit wala ka pa rin dito sa Pinas?!"

"Mainit dyan eh?"

"Ipapa-aircon ko!"

"Buong Pinas?"

"Sige, dyan ka nalang."

"Pfft! Hahahahaha." Napangiti ako saka ko ulit sinubo yung cake. Nandito kasi ako sa isang coffee shop. Weird no? Coffee shop pero may cake. Siraulo siguro owner nito. Buti nalang masarap yung cakes and frappes nila. "Asan ka?"

"Hulaan mooo."

"Hmn? Office?"

"Nope! Naka-break ako."

"Break? Ala una palang ah? Diba alas tres break niyo--"

"Sinong may sabi?"

"Tsk, oo nga pala." Napangisi ako saka ako sumandal sa upuan ko. Inabot ko yung frappe saka ako sumipsip sa straw. "Ikaw nga pala yung boss."

"You got it right."

"Eh sinong kasama mo?"

"Ako lang. Tsk, nakakalungkot diba?"

"Wag ka na malungkot. Gusto mo samahan kita?"

Saglit akong natigilan. Ay! Hindi. Joke niya lang naman to, sakyan nalang. "Sige, samahan mo ko. Asan ka na?"

"Hulaan mooo."

"Hmn? Banyo?"

"A-anong-- hoy Steffi! Anong banyong sinasabi mo!?"

"Pffft, sabi mo hulaan ko?"

"Kaya nga!"

"Oh, edi ayun ang hula ko. Nasa banyo ka."

"Ano namang gagawin ko sa banyo?!"

"Umiihi?"

"Steffi!"

Wagas akong natawa. "Hahahahaha! Totoo naman ah! Madalas kang magbanyo!"

"H-hindi yan totoo--"

"Yhiie, nahiya pa siya oh. Hahahaha, mula nang maoperahan ka, palagi ka nalang naiihi. Siguro, palaihi yung donor mo."

"At paano mo naman napasok sa usapan si Lexi?"

"Wala lang, hehehehe. Naikonek ko lang. Masama ha, masama?"

"Tch!"

"Galit ka na nyan?"

"Hindi na kita pupuntahan dyan!"

Mas lalo akong natawa. Napapatingin pa yung iilan pero wala akong pakialam. Duh? Ang ganda ko kaya tumawa. "Hahahahaha, makasigaw ka naman kala mo talagang makakapunta ka dito.."

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon