STEFFI'S POV~
"Girl, ang dami naman niyan?" Si Jasmine, habang nakatingin sa mga bitbit ko. "Yung totoo? Pang isang taon niyo ba yan?"
"Marami ba?" Nakangiti kong sambit. Tumango naman siya. "Konti pa nga yan eh, kailangan kasi ni Nerd ng Vitamins."
"Eh bakit hindi ka nalang bumili ng capsule o syrup?" Parang shunga talaga tong si Grace. Ano si Nerd? Bata? "Ang bigat naman ng mga to!"
"Wag ka nang magreklamo." Sabi ko sa kanya. Pinabitbit ko rin kasi sa kanila yung mga pinamili naming prutas para kay Nerd. Sa kanya ko pinabuhat yung langka, hahaha. Ang bigat kasi eh. "Don't worry, treat ko kayo today. Saan niyo gustong kumain?"
"Dun!" Atat na turo ni Grace sa isang Italian Restaurant. "Mukhang bet ko dun Girl."
"Anong mukha?! Bet mo talaga dyan, stupid! Kahapon mo pa ako niyayayang kumain dyan eh. Hindi lang matuloy tuloy kasi paubos na yung pocket money na dala mo." Sabi naman ni Jasmine. Napailing nalang ako. Paano kaya nila natitiis na kasama ang isa't isa? Para silang magkaaway palagi eh.
"Whatever." Balewalang sagot ni Grace saka niya binangga yung balikat ko. "Sige na girl, please.. gusto kong itry diyan.."
I sighed. "Fine."
"Yipppiie!" Masaya niyang sagot at natawa nalang ako. "Let's go na! Gosh, ang bagal niyong maglakad!"
"Tingnan mo to, parang patay gutom." Bulong ni Jasmine habang nakatingin sa nauuna nang maglakad na si Grace. "Kahapon niya pa gustong kumain dyan, parang tanga. Napaghahalataang pulubi."
"Hahahaha. Hayaan mo na, look. Atleast hindi na siya nagreklamo sa bitbit niya." Natatawa kong turo kay Grace na parang hindi na nabibigatan sa bitbit niyang langka. "Tsaka, pulubi? Tsk, kelan pa namulubi yang babaeng yan?"
"Ngayon." Nakangusong sagot ni Jasmine. Hahaha, mayaman kasi yang si Grace. Hindi lang talaga halata minsan. Hindi naman kasi niya ugaling magyabang. Medyo spoiled nga lang. "Umutang pa nga siya sakin, tsk. Bayaran niya daw ng triple pag uwi natin."
"Hahahahaha! Yabang."
"Sinabi mo pa! Ang gastos kasi. Tsk, anyway." Biglang seryoso niyang sabi. Napalingon naman ako sa kanya. "Kelan nga ba tayo uuwi?"
"Hindi ko pa alam eh, kayo kelan ba kayo uuwi?"
"Ano ka ba!? Syempre, sasabay kami sayo."
Lihim akong napangiti. "Eh baka naman maghirap kayo dito? Kasya pa ba yung mga perang dala niyo?"
"Gosh, ako pa talaga tinanong mo?" Natatawa niyang sambit at napailing nalang ako. Malakas hangin nito eh? "Hahahaha, girl! Kaya kong mabuhay dito ng ilang taon.."
"Yabang mo."
"Di naman, slight lang."
At sabay nalang kaming natawa.
Napakapa agad ako sa bulsa ko nang mangibabaw yung ingay ng ringtone ko. Napabuntong hininga nalang ako nang makita kong si Mama yung tumatawag sakin ngayon. "Hello Ma?"
"Steffi, how are you?"
"I'm fine. What's with you? Bakit ka napatawag?"
"Well, I just wanted to remind you na kailangan mo nang umuwi dito."
"Ma, napag usapan na natin to diba?"
"But Steffi, we need you to here. Your papa needs you here."
"I know.. sabi ko naman sainyong uuwi ako diba?"
"Yes! You told us na uuwi ka na kapag okay na yung lagay ng boyfriend mo. Sabi mo kahapon, nagising na siya?"
"O-oo nga pero--"
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Romance"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...