STEFFI'S POV:Hindi ako mapakali sa pwesto ko. May gusto akong gawin pero aissh! Hindi ko alam basta may gusto akong gawin.
>__<
BRAIN: Baka natatae ka lang Steffi?
SHATTAP BRAIN, SHATTAP!
>_<
Saturday ngayon at wala kaming pasok. Good thing wala kaming practice today. After kasi ng meeting namin ng mga players, kinabukasan nun nagsimula na kaming magpractice. Tatlong araw kaming nagpapakapagod kakahensayo buong araw at aaminin kong namimiss ko na yung Nerd ko.
TT___TT
Three days ko na siyang hindi nakikita.
TT____TT
"Ugh! I can't take this anymore." Inis kong sambit saka ko kinuha sa side table yung susi ni babybuts. "I want to see him."
------
"S-STEFFI!??! Gulat niyang sabi matapos niyang buksan yung pinto ng apartment niya.
"Hehehe, ang cute mo." Sabi ko habang nakatingin ako sa kanya. Naka-pajama pa kasi siya at halatang nagising siya dahil sa mga katok ko sa pintuan niya. "Hehehehe, favorite mo si Spongebob?"
"Steffi!" Sigaw niya saka siya biglang namula. "R-regalo sakin to ni Hailey noon.." tukoy niya sa suot niyang pantulog. "Hehehehe, pasok ka."
Masaya naman akong pumasok sa loob ng apartment niya saka ko agad tiningnan yung loob ng bahay niya. "Wow! Grabe, ang linis at ang ayos!"
"Hehehe, salamat. Maupo ka muna, m-magbibihis lang ako--"
"Ligo ka na!" Nakangiti kong putol sa kanya. "Date tayo!"
"N-ngayon??"
"Yep!"
"B-bakit?"
"Three days kitang hindi nakita.." nakanguso kong sagot sa kanya. "Nasa iisang school lang tayo pero ni anino mo, hindi man lang nagparamdam. Miss na kita."
"S-sorry.." sabi niya saka siya napakamot sa ulo niya. "B-babawi nalang ako ngayon.."
"Aba dapat lang!" Taas noo kong sagot."Tatlong araw kitang namiss! Dapat sakin mo ibigay yung buong araw mo ngayon!"
"Hehehe, yan ba ang gusto mo?" Masigla akong tumango. "Okay then, sayo ang buong araw ko ngayon. Hehehehehe.."
Masayang masaya akong napangiti saka ako tumayo at lumapit sa kanya. "Salamat Nerd.." nakangiti kong sabi saka ko hinawakan ang mukha niya. "Kanina ang lungkot lungkot ko pero ngayon, masigla na ulit ako. Hayy, ano bang meron sayo?"
Pilit niyang nilalayo yung ulo niya sakin pero hindi ko siya binibitawan.
"Namiss kita, totoo yun." Sincere kong sabi saka ko lalong nilapit ang mukha ko sa kanya. "Ako ba? Namiss mo?"
"....."
Hinintay ko siyang magsalita pero hindi siya umimik. Mabilis tuloy akong napasimangot saka ako yumuko sa harapan niya. "Bakit hindi ka sumasagot? Hindi mo ba ako namiss--"
"Namiss kita Steffi pero nga yung hininga ko kasi hindi pa kanais nais."
O__o???
Taka akong napatingin sa kanya.
Ano daw sabi niya??
O__o?
Humakbang siya ng isa palayo sakin saka ulit siya nagsalita. "Hehehehehe, dyan ka muna.. mamaya na tayo mag usap maliligo muna ako.. at magto'toothbrush. Hehehe.."
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Romance"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...