STEFFI'S POV~
Parang tanga akong nakangiti habang nagwawarm up.
(^___^)
Ngayong araw kasi yung game two ng volleyball team and 15 minutes nalang, magsisimula na yung game.
Well, hindi naman ako masaya dahil may game kami. Siguro, parte na rin yun.. nakakamiss maglaro ng volleyball eh. Pero yung main reason talaga ng ngiti ko?
"GO STEFFI! FIGHT! FIGHT!"
(^____^)
Manonood kasi ulit si Nerd. Hehehe, and take note. Nandito na siya sa bench namin. Meaning.. hindi na ako mahihirapan lingunin siya mula sa malayo.. and kapag may 1 minute break kami, maaabutan niya ako ng tubig. Tapos pupunasan niya yung pawis ko, tapos aalagaan niya ako tapos---
BRAIN: At feel na feel mo naman Steffi?
Tss, shut up brain.
"OKAY TEAM! POSITION NA! FIRST SIX IN THE COURT NOW!" Sigaw ni coach.
"Magsisimula na kayo Steffi." Masayang sabi ni Nerd saka niya pinunasan ng bimpo yung mukha ko. Abot langit naman yung ngiti ko, hehehehe.. "Galingan mo ha, kayang kaya mo yan!"
"Tss, oo naman. Mabilis lang to!" Mayabang kong sagot at magiliw naman siyang tumango. Hehehehe, napakasupportive talaga ng boyfriend ko. "Hmn, may extra ka pang towel Nerd?"
"Yup, meron pa. Here." Abot niya sakin ng towel. "Saan mo gagamitin?"
"Ipapalagay ko sana sa likuran ko--"
"Ah sige! Talikod ka." Tumalikod naman agad ako. Hindi rin nagtagal, naramdaman ko nang inaayos niya yung towel sa likod ko. "Oh ayan, okay na ba to Steffi?"
"Yup, palagyan na rin ng konting pulbo Nerd." Naramdaman ko namang may nilalagay na siya sa likuran ko. After niya ay nakangiti na akong humarap sa kanya. "Better. Salamat."
"Welcome, oh ubusin mo na tong tubig mo Steffi, baka kulangin ka sa tubig mamaya."
Tinanggap ko naman yun saka ako uminom. Gusto ko pa sanang mapangiti nang maramdaman kong inaayos niya yung iilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko. "May clip ka ba?" Tumango nalang ako saka ko tinuro yung punch ko. Kumuha naman siya ng clip dun saka niya inipit yung nagkalat na buhok sa mukha ko. "Ayan, mas okay."
(^____^)
"Ohmygosh, ang sweet nila!"
"Ang swerte niya kay Miggy, maalaga siyang boyfie!"
"Kaya pala nagustuhan siya ni Ms. Steffi."
"Hayy, okay lang kahit mukhang nerd basta ganyan ka sweet katulad ni Miggy."
(^____^)
Wagas akong napangiti matapos kong marinig yun. Ang sarap humalakhak eh, pinipigilan ko lang ng matindi.
HAHAHAHAHA! SORRY GIRLS! YOU KNOW NAMAN KASI DIBA? HE IS MINE? WALA EH, PINAGPAPALA AKO MASYADO EH KAYA.. IM SO SORRY. HANAP NALANG KAYO NG IBA. HAHAHAHA!
"COLLINS!!"
Napairap ako sa hangin dahil sa sigaw ni Coach. Hinarap ko nalang si Nerd na nakaupo na pala sa bench habang may hinahanap sa bag niya. "Nerd.."
"Hmn?" Nakangiti niyang lingon sakin.
"Pasok na raw ako sabi ni coach.. okay ka lang ba dito--"
"Oo naman, ayos na ayos lang." Nakangiti niyang sabi saka siya tumayo ulit at lumapit sakin. "Galingan mo ha?"
"Oo naman! Nandito ka eh!" Masaya kong sagot at tumango naman siya. Napapikit nalang din ako ng halikan niya ako sa noo. "Hehehehe, may reward agad kahit hindi pa ako nananalo ah?"
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Storie d'amore"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...