Chapter 49

245 5 8
                                    

Steffi's Pov:

Sinag ng araw na tumatama sa mukha ko ang nagpagising sakin. Sinanay ko ang paningin ko sa liwanag at nang magawa ko nang imulat ang mga mata ko ay agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.

Mahimbing ang tulog niya, his lips are half open. Nararamdaman ko ang paghinga niya at nakikita ko ang pagtaas baba ng dibdib niya. Itinukod ko ang siko ko saka ko siya tinitigan.

Hindi mawala sa isipan ko ang nangyari saming dalawa kagabi. Muli akong napangiti sa alaalang bumabalik sa isip ko. That was heaven. Hindi ko inakalang magagawa niya sakin ang lahat ng iyon. He's innocent..  virgin. I thought our first time will be simple and normal. Palagi ko pa namang ini-imagine na mahihiya pa siya sa unang gabi namin, na aabutin ng ilang oras bago niya ako tuluyang mapasok.

Hindi ko inakala na sa mga oras na iyon, magagawa niya akong pasayahin ng lubos, maiparanas sakin kung gaano ako kaespesyal at kung gaano niya ako kamahal. He is so gentle. He makes me feel different.

"Pfft." pinigilan kong matawa dahil sa nasabi ng isipan ko. Pero lalo lang lumapad ang pagkakangiti ko nang maisip ko na hindi niya pinaramdam sakin ang sitwasyon naming dalawa bilang mag asawa.

Wala sa sarili kong nahaplos ang tiyan ko.

Gusto kong magkaroon ng sarili kong pamilya. Gusto kong magkaroon ng sariling anak. At wala akong ibang gustong maging asawa at ama ng mga magiging anak ko kundi siya lang.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya nang makita ko ang pagkunot ng noo niya. Kumikibot kibot na rin ang mga mata at labi niya senyales na magigising na siya.

"Nerd.." sambit ko saka ko marahang hinaplos ang tungki ng ilong niya. "Love.."

"Hmn.."

"Wake up, umaga na Love.."

Dahan dahan siyang dumilat. Agad tumama ang mga paningin niya sakin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti pero ginantihan lang niya ako ng seryosong titig.

Hindi ko alam kung matatakot ako, kakabahan o mangangamba. Alam ko ang ganyang titig na binibigay niya sakin. Ganunpaman, pinilit kong alisin ang negatibong kaisipan sa utak ko. Lakas loob kong nilabanan ang titig niya habang unti unti kong inaalis ang pagkakangiti ko sa kanya.

"Anong iniisip mo?" tanong ko nang magsawa ako sa tahimikan. "Please tell me what's on your mind, Nerd."

"Iniisip ko lang... kung talaga bang totoo ka."

"P-paanong totoo?"

"Totoo.. kung totoo ba na nakikita kita... na nasa tabi kita ngayon, na abot kamay lang kita. Iniisip ko kung ikaw ba talaga si Steffi, yung babaeng pinangarap ko sa mahabang panahon. Yung Steffi na pinakaunang babae na minahal ko mula noong bata palang ako. Yung Steffi na pinangarap kong makasama at makausap ulit. Iniisip ko lang kung hindi ba ako nananaginip o namamalik mata. Gusto kong makasigurado, kung hindi ka man totoo, gusto kong maging totoo ka.. maging totoo lahat ng sinabi ko. Gusto kong malaman na totoo lahat ng nakikita at nangyayari ngayon---"

I cut him off with a deep kiss. Naramdaman ko ang pagkagulat niya pero agad ding gumanti ng halik sakin nang mahimasmasan siya. God! I love this man so much! Hindi ko na nagawang patagalin ang halik namin dahil sa umaapaw na emosyong namumuo sa dibdib ko.

Ako ang unang lumayo saka ko hinawakan ang mukha niya. "Open your eyes." Dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya. Namumungay iyon, halatang pagod at malungkot. Bigla akong nanlumo. "I'm real. Totoo na nandito ako sa tabi mo, totoo na nakikita mo ako, totoo na nahahawakan mo ako--- lahat totoo, Love. P-please come back to me.."

"I-i'm not leaving..."

"Let's start again, please?" pabulong kong sambit saka ko paulit ulit na hinaplos ang pisngi niya. "Alam kong mahirap, alam kong napakasakit, nararamdaman kong mabigat.. pero please, subukan nating magsimula ulit? Kalimutan natin lahat ng sakit, pasakit.. lahat ng problema. Gawin nating aral lahat nang pagkakamaling nangyari sa nakaraan.. gawin nating alaala ang masasayang sandali.. please, start your new life with me."

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon