Miggy's Pov:
"Take care."
Sinikap kong ngumiti nang natural at alam kong ganun din ang ginawa niya. "Ikaw rin."
"I love you."
Sandali akong natigilan at masayang napangiti nalang nang makita ko kung gaano kaseryoso ang mukha niya. "I love you too."
Pinigilan niyang ngumiti pero nakita ko pa rin kung papaano namula ang magkabilang pisngi niya. "Text me after your class okay? Susunduin kita ulit.."
"Hmn, okay. Bye. Ingat."
Tumango lang siya saka niya ako masayang kinawayan.
Makalipas ang ilang araw matapos kaming mag usap ay naging maayos na ulit ang pakikitungo namin sa isa't isa. Hindi pa man kami bumabalik sa dati ay alam kong paunti unti ay nagiging maayos na ang relasyon naming dalawa.
Naging set up na namin ang ganito, yung sasabay ako sakanya pagpapasok siya sa trabaho, idadaan niya muna ako sa eskwela bago siya dumiretcho sa kompanya nila. Tuwing uwian ko naman ay lagi niya akong dinadaanan at sabay rin kaming uuwi ng bahay. Kapag nagkakataon namang ginagabi ako dahil sa mga proyekto namin ay sinusundo niya ako kahit nasaan man ako.
Nakakahiya mang tingnan dahil siya ang babae ay hindi na ako nagsalita. As long as maayos na kaming dalawa ay wala na akong problema. Ang mahalaga, unti unti na ulit kaming bumabalik sa dati naming pakikitungo sa isat isa.
Curious.
Alam kong may nangyayaring hindi maganda sakanya. Oo, gustong gusto kong malaman dahil gusto kong tumulong sa kanya. Kahit gusto ko mang makialam, hanggat maaari ay hindi ko na sinusubukan. Malaki ang tiwala ko sakanya. Kung sa tingin man niya ay makakabuti sakin ang hindi na mangialam, hindi nalang ako makikialam.
As her husband, ginagawa ko ang lahat para makatulong sa kanya. Kung hindi ko man maaaring malaman ang bagay na ayaw niyang ipaalam, sinisikap ko nalang pagaanin ang araw niya. Pinagsisilbihan ko siya, kinakausap ko siya, inaalagaan ko siya, minamasahe ko ang sintido niya sa tuwing sumasakit ang ulo niya, madalas pa nga ay dinadalhan ko nalang siya nang makakain sa kwarto sa tuwing wala siyang ganang bumaba para kumain... sa lahat ng paraan na alam ko ay araw araw kong pinaparamdam sa kanya na hindi siya nag iisa. Na kung anuman ang problema niya ay hinding hindi ako aalis sa tabi niya.
"Tanginaaaa! Laban! Puta! Sa labas ka lang palaban! Bakit hindi ka lumaban samin ngayon! Ha!"
"Tumawag na kayo ng guard! Mygosh! Kawawa naman siya!"
"Nagpunta yung School President sa Guidance! Paparating na rin si Dean!"
"Hayaan niyo na siya!"
"Nakakaawa naman yung babae!"
"Tama na yan!"
Nang marinig at makita ko ang mga estudyante na nakapalibot at tila nagkakagulo sa iisang pwesto ay naging mabilis ang hakbang ko papunta roon. Hindi ko alam kung sino ang mga taong nandoon pero malakas ang kutob ko na si Gyzel ang babaeng tinutukoy ng mga kaschoolmates ko.
"Tumahimik kayong lahat! Gusto niyo bang madamay!"
Napaatras ako nang magsiatrasan rin ang mga estudyanteng nagkukumpol sa iisang tabi. Nang hindi na sila muling umatras ay sinikap ko ulit makalapit at makipagsiksikan hanggang sa makarating ako sa harapan.
Doon ay mas lalo akong nagulat sa nakita ng mga mata ko.
"G-gyzel.."
Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Sa labis na gulat ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko siyang lapitan pero parang naestatwa ako sa pwesto ko at hindi lubusang makapaniwala sa nakikita ko.
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Romans"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...