Chapter 12

110 5 0
                                    

STEFFI'S POV:

Sabi nila, time flies.

Sabi ko naman, time stops.

It's been a few months since the last time I've felt the warmth and seen the beauty of the dancing leaves under this tree.

Yeah, It's just months..

But it feels like eternity..

"Hey, congrats." Nakangiti kong sinalubong ang yakap ni Andrew nang mahanap niya ako dito sa field. "Graduate ka na. You made it."

"Yeah, i made a miracle."

"Silly, you deserve it. You worked hard for it."

"I worked hard for it.. not for myself but for him to be proud of me."

Humiwalay sakin si Andrew saka niya ako tinitigan. Malungkot naman akong ngumiti sa kanya. "I'm sorry if i came back. I wanted you back in my life kaya ako bumalik but.. I just ruined you again, im sorry--"

"Thank you for coming back." Nakangiti kong sambit, pinipilit kong ngumiti. "..dahil kung hindi ka bumalik, hindi ko mare-realize na hindi na pala ikaw. Na siya na pala. Siya lang talaga."

I wanted to be strong. God knows how i've really tried to be strong.. dahil yun ang sinabi niya.

Yun ang pinangako ko.

Yun ang gusto niya.

At yun ang hiniling niya.

Ang maging malakas ako.

But everytime i was left alone, i can't help it.. i was just thinking of him all day and all night.

Gusto ko siyang kamustahin, gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang makita.. gustong gusto ko na siyang makasama ulit. Para akong nababaliw sa lungkot. Hindi ko pa naranasang malungkot ng ganito. Malungkot na dumating sa puntong umiiyak ka nalang ng walang dahilan.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Sa lahat ng pangakong sinabi niya.. ngayon lang siya hindi tumupad. Ang sabi niya, sabay kami magtatapos.. pero heto ako, mag isang tumapos sa pangako namin sa isat isa. Nabalewala lahat ng pinaghirapan niya. Halos magwala ako nang sabihin nilang hindi na siya makakahabol pa. Nabalewala lahat ng grades at academics niya. Dahil ang sabi niyang mabilis at maaga niyang pagbabalik.. inabot ng maraming buwan.

Sinikap kong pagbutihin ang pag aaral. Kahit nakaramdam ako ng inis at galit sa kanya, nangingibabaw pa rin sa puso ko ang pangungulila. Gusto kong ipagmalaki niya ako pagbalik niya. Gusto kong purihin niya lahat ng magagandang ginawa ko sa pagbalik niya. Inayos ko ang sarili ko, bumuo ako ng pangarap habang hinihintay ko siya.

Pero lumipas ang araw, linggo, buwan..

Hindi siya nagpakita.

Hindi siya bumalik.

Hindi na siya nagparamdam..

"M-may balita ka na ba sa kanya?" Alanganing tanong ni Andrew saka niya inangat ng mukha ko paharap sa kanya. "Baka meron siyang dahilan Steffi.."

"Wala akong maisip na magiging dahilan niya Andrew. Ganun ba kahirap bumalik dito sa Pilipinas? Nilalakad pa ang distansya mula America? Wala bang eroplano? Sinasagwan na ba ang barko? Kung ganun ang dahilan niya, oo maiintindihan ko siya."

"Steffi.."

"Hindi ko na alam eh, hindi ko alam." Nakagat ko ang labi ko, pinipigilan ko ng husto ang sarili kong maiyak. "Oo, nagpaalam nga siya. Hindi nga niya ako iniwan ng basta basta tulad ng ginawa mo. Akala ko, mas madaling tanggapin na iiwan ka nang may paalam.. hindi pala. Mas masakit pala. Masakit kasi nangako siya. Nangako siyang babalik siya at nagtiwala ako sa pangako niya. Ang sakit kasi umasa ako. Umasa ako Andrew.. h-hanggang ngayon, umaasa pa rin ako.."

Sinalo ko ang yakap niya. Ito ang kailangan ko ngayon. Ang makakapitan. "A-anong balak mo ngayon?"

"Tulad ng ginawa ko sayo.. hahanapin ko ang sagot."

Lumayo siya saka niya ako seryosong tiningnan. "Steffi.. don't tell me--"

"Hahanapin ko rin siya. Pupuntahan ko siya sa America. Aalamin ko lahat ng sagot sa sarili kong tanong. Gusto kong makarinig ng magandang sagot."

"Sana.. meron siyang sapat na dahilan."

Pagak akong ngumiti sa kanya. "Sana nga Andrew. Sana meron siyang maayos na dahilan. Dahil umaasa pa rin ako.."

"Steffi."

"U-umaasa pa rin ako na magiging masaya kaming dalawa."

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon