Chapter 38

116 1 0
                                    

**

STEFFI'S POV:

Busy ang lahat sa pakikipagsaya. Nakakatuwang makita na kahit hindi naging perpekto ang kasal namin ay nakikita ko naman ang bawat ngiti at tawa ng mga bisita namin na nandito sa reception namin ni Nerd.

"Hey!" mabilis kong nilingon yung taong kumalabit sakin.

Napangiti nalang ako saka ko siya niyakap. "Hailey.."

"Congrats!"

"Thank you."

Siya ang unang humiwalay saka niya ako nginitian. "I'm so happy for the both of you. For sure, sobrang saya rin ni Miggy ngayon.." napatingin siya sa likuran ko, kusa rin akong napalingon dun at ang masayang mukha agad ni Nerd ang nakita ko. Tuwang tuwa niyang sinasabayan sa pagtawa ang mga bisita at kitang kita talaga sa mga mata niya ang sobrang kaligayahan. "Everytime I got a chance to meet and see him, he's always smiling, giggling and laughing. Masayahin siyang tao, napaka'positive niya sa lahat ng bagay.. normal sa kanya ang pagngiti, pero ngayon? Ibang iba yung saya na nakikita ko sa kanya.." marahan niyang hinawakan ang palad ko kaya kusa akong napatingin ulit sa kanya. "You're his happiness Steffi, sayo ko lang nakitang ganyan kasaya ang pinsan ko. Maraming salamat."

"He's also my everything, Hailey. I love him so much.."

"Thank you for accepting and loving him.."

Napangiti kami sa isa't isa.

Hailey.

She is Miggy's cousin.. pero kung magturingan sila ay para silang tunay na magkapatid. They are so close to each other na parang wala na silang maitagong sikreto sa isa't isa.

She was about to leave nang maalala ko ang isang bagay na kanina pa gumugulo sa isipan ko. "Hailey.."

"Yeah?"

Nakagat ko ang labi ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Napansin niya ang munting kaba sa buong mukha ko dahilan para hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "A-about Miggy.."

"Is there any problem?"

"N-noong operahan ba siya, o bago kayo umalis sa ospital.. may nabanggit ba ang doktor tungkol sa kalagayan niya?"

"What do you mean?"

"I noticed something.. But I don't know if you can help me.."

"I'm willing to tell you everything about Miggy. Just make me understand what do you want to know."

Napahinga ako ng malalim saka ko siya hinila palayo sa mga taong nakapaligid samin. Nang madala ko siya sa lugar kung saan kaming dalawa nalang ang magkasama ay agad na rin akong nagtanong. "Noong magkasama pa kayo ni Miggy sa America, wala ka bang napapansing kakaiba sa kanya?"

"I'm still confused Steffi.. anong ibig mong sabihin?"

"Si Miggy.. there's something wrong about him and i'm kinda worried about it."

"What is it?"

"Napansin ko ang paghawak niya sa dibdib niya kanina. Nakatitig lang siya sa kawalan ng ilang segundo saka siya napabuntong hininga. Noong lumapit ako para alamin ang kalagayan niya ay sabi niya sakin.. parang hindi daw niya maramdaman ang pagtibok ng puso niya."

Natigilan siya dahilan para unti unting umusbong ang kaba sa buong katawan ko. Seryoso siyang tumitig sakin at hinintay ko naman ang pagbuka ng bibig niya "R-really?"

Marahan ako napatango. "M-may alam ka ba?"

"Well.." napatikhim siya. "Maraming gamot ang iniinject kay Miggy noon, isa sa mga side effects siguro ay ang hallucination? Overthinking? Being Paranoid? I'm not sure if you can consider that incident as hallucination or whatsoever but his doctor said that it's normal."

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon