STEFFI'S POV:
Hindi ko maiwasang titigan ang maamo niyang mukhang mahimbing pa sa pagkakatulog ngayong mas malapit na siya sakin.
Itinukod ko ang siko ko sa kama saka ko siya nakangiting pinagmasdan.
Natatamaan na ng araw ang mukha niya dahilan para malinaw na malinaw ko siyang nakikita. Tinitigan ko ang bawat hulma ng mukha niya.. wala akong pinalampas ni isang sulok at hibla.. na parang tinatanim ko na sa pinakamalalim ng alaala ko ang bawat parte niya.
Napakakinis ng kutis niya.. wala akong makita ni isang pekas, ang mga mata niyang bilog na naniningkit kapag ngumingiti siya, ang pangbabae niyang pilik mata na mas mahaba pa yata sa pilik mata ko, ang matangos niyang ilong na isa sa mga kapansin pansin sa kanya, ang magulo at wala sa ayos niyang buhok... ang mga labi niyang sobrang nipis, namumula at makinis..
Habang pinag aaralan ko ang kabuuan niya ay para ko na ring pinapangalanan lahat ng nasa kanya.. na sa isip ko ay ang lahat ng nakikita ko ngayon, lahat ng magagandang bagay na pinagmamasdan ko ngayon ay pagmamay ari ko. Lahat sakin, akin lang.
Ako lang ang may karapatan.
Wala siyang ginagawa sa mga oras na ito, mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog niya at naririnig ko pa ang mumunti niyang hilik.. yun lang ang ginagawa niya pero nagagawa niyang patabain ng husto ang puso ko.
They asked me, why him? What's with him? He's nothing.. simple and very ordinary.
Those are their questions that is supposed to be my own questions too.
Minsan ko na ring tinanong ang sarili ko..
Bakit nga ba siya?
Bakit hindi nalang ang iba?
Yung mas mataas..
Yung mas nakakaangat..
Yung may napatunayan na..
Yung malakas..
Yung kaya akong protektahan..
Yung kayang ibigay ang lahat ng gusto ko..
Oo nga naman..
Bakit nga ba siya?
Bakit siya pa?
While asking myself the reasons why.. a simple smile curved into his face dahilan para mapangiti rin ako sa kinilos niya.
Then all of the sudden, my hundred questions were immediately answered by a one simple sentence.
..... he makes me happy.
Lalo akong napangiti nang kumunot ang noo niya saka niya nakangusong kinamot ang pisngi niya. Marahan kong hinaplos ang parteng kamot kamot niya dahilan para bumalik sa pagiging kalmado ang mukha niya.
His lips were left pouted. Napangiti ako saka ko paulit ulit na dinampi doon ang labi ko, napakagaan lang at napaka'marahan.
It was so soft. So tempted.
Muli akong napatitig sa kanya saka ako nagbaba ng tingin pabalik sa labi niya. At nang muli kong ilapit ang sarili ko sa kanya ay madiin ko nang pinagdikit ang mga labi namin.
Paulit ulit ko siyang hinalikan kahit wala akong nararamdamang halik na bumabalik sakin. Lihim akong napangiti nang panggigilan ko ang ibabang labi niya. Marahan kong kinagat iyon at hinalikan ulit pagkatapos ay kakagatin ulit saka ko marahang hinihila palayo.
"Mmmn..." marahan akong napalayo saka ko siya nakangiting tinitigan sa mga mata niya. Nakakunot na ang noo niya at kumikibot kibot ng kaunti ang mga pilik mata. Inabangan ko ang pagmulat ng mga mata na hindi rin naman nagtagal nang sakin niya agad ituon ang paningin niya.
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Romance"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...