Chapter 13

122 2 0
                                    

(Two weeks later) 

STEFFI'S POV:

Malamig ang simoy ng hangin.

Nakakapanibagong paligid.

Tahimik na lugar.

Malinis na kapaligiran.

Walang duda. Nandito na nga ako sa America.

"Hi Madame, wanna ride?" Nakangiting salubong sakin ng isang lalaki. Kung sa Pilipinas, may nagtatawag. Siguro, ganun rin ang tawag sa kanila.

Ngumiti lang ako at bahagyang umiling. Tumango naman siya at humanap na ng ibang mapapasakay sa isang cab.

Grabe, ibang iba talaga dito. Sa Pilipinas kukulit kulitin ka talaga. Yung tipong haharangan ka pa sa daraanan mo, mapasakay ka lang. Dito sa America, simpleng iling lang. Okay na, ngingitian ka pa.

Eh kung dito nalang kaya ako tumira?

Napailing nalang ako.

Hayy.. Ano ba tong iniisip ko?

Nilabas ko sa bag ang kapirasong papel na siyang pag asa ko. Habang hawak ko ang simpleng papel na to, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano ako magsisimula. Wala sa sarili akong napatingin sa paligid.

Sa kapirasong papel at laki ng America.. saan ako magsisimula?

"Omg, ang lamig naman dito girl."

"Ang tanga mo talaga. Natural malamig dito! Tsk, magtaka ka kung bigla uminit dito sa America at magka snow naman sa Pilipinas. Bobo parang hindi nag iisip!"

"Sinabi ko lang na malamig, ang dami mo nang sinabi! Pasikat ka talaga eh no?"

"Wow. Kanino naman ako magpapasikat? Sayo? Tsk, buti nga tinatama ka pa eh."

"Tinatama? Hahaha. You're funny. I just stated 'ang lamig naman dito', simpleng statement lang yun, pinalaki mo lang. Feeling Genius?!"

(-_____-)

"Kung alam ko lang na dadalhin niyo yang kaartehan niyo dito, hindi na sana ako pumayag na sumama pa kayo."

Natahimik naman silang dalawa at nagpanggap na nagpipicture sa sarili nila. And if you're asking kung sinong kasama ko?

Sino pa ba? Jasmine and Grace.

Well, hindi ko sila sinama. Sila ang kusang sumama. Nagulat na nga lang ako nang maabutan ko sila sa sala namin kanina at may mga dala ng maleta. Dinaig pa nila ako, tsk. Hiyang hiya tuloy yung isang bag ko sa tig isang maleta ng dalawang to.

"So girl, saan yung hotel mo?" Si Jasmine ang nagtanong.

Nagkibit balikat naman ako. "Hindi ko pa alam."

"What do you mean na hindi mo pa alam? Omg. Don't tell me wala ka pang tutuluyan dito?!" O.A. namang sabat ni Grace at nagkibit balikat ulit ako. "Omg. Omg. Omg. Dont tell me sa kalsada tayo matutulog!?"

"Tanga! Bat tayo sa kalsada matutulog!? Wala ka bang pang hotel!?" Pangbabara ni Jasmine. Sinadya ko talagang wag sumagot dahil alam ko namang mambabara siya. "Gosh! Anong utak ba meron ka girl!? I can't as in hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang grumaduate ka!"

"Ouch, as in ouch!" O.A. niya na namang sagot na kunwari sinasaksak pa niya yung puso niya. "Ang sakit girl, ang sakit--"

"Masakit talaga malaman ang katotohanan. Hahahaha!"

"Ay wow, feeling brainy? If i know, dinaan mo lang sa floorwax yung score mo sa Management para masalba yung alanganin mong grade."

(O____O)?!

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon