Chapter 30

99 3 1
                                    

STEFFI'S POV;

"Good morning Ma'am."

"Hi Ms. Collins."

"Magandang umaga po Ms. Steffi.."

Paulit ulit lang akong tumango ng seryoso sa mga empleyadong nakakasalubong ko.  "Good morning."

"Ms. Steffi, nasa table niyo na po yung mga kailangang i-review for approval--"

"Prepare the conference room then call all the members of the board. Meeting will start at exactly 1pm."

"Urgent Ms. Steffi?"

"Urgent."

"Alright."

Seryoso lang akong tumango sa secretary ko saka ko binuksan yung pinto ng opisina ko. "Any follow ups?"

"Ah, yes. Before I forgot." Biglang sabi niya at kunot noo naman akong napalingon sa kanya. "Someone called from America. He's looking for you."

"Name?"

"I'm sorry Ms. Steffi." Nakayuko niyang sambit at napataas naman ang kilay ko. "He hung up immediately when I asked for his name."

"Make sure this won't happen again. I need you to get my caller's information before you give them my schedule. Be smart and wise, my secretary. This is your final warning or else you gotta need to find another job. Understand?"

"Y-yes, Miss. I'm sorry."

"Start fixing everything that is needed in my meeting."

"Right away Miss." Tinitigan ko lang siya at mabilis naman siyang umiwas ng tingin. Agad rin naman siyang naglakad palayo para ayusin yung mga binilin ko sa kanya.

Pumasok na ako sa loob ng opisina ko saka ko tinungo ang swivel chair na nasa harapan mismo ng lamesa ko. Pabagsak akong napaupo dun saka ako napapikit ng mariin.

Damn, kulang ako sa tulog. Managing a big company gives me a hard time everyday. Mayaman nga yung pamilya namin pero palagi naman akong pagod.

Hayyy.. stress.

Pikit mata at kunot noo kong kinapa sa harapan ng table yung cellphone ko. Basta ko nalang pinindot yung answer button sa gilid saka ko yun tinapat sa tenga ko. "Hello?"

"Ang aga aga, mukha ka ng pagod."

Mabilis nawala ang pagkakakunot ng noo ko saka ako kusang napangiti. "Nerd.."

"Do you sleep well last night?"

"Yeah."

"Bakit parang hindi?"

"I do. Maybe three hours or less?"

"Wow, ang healthy mo naman pala."

"Yeah, you know. Duties, responsibilities and obligations." Napadilat ako saka ako umayos ng pagkakaupo. "Mas pagod pa yata ako sa janitor namin. Nakakaloka."

"Right, to think na mas malaki yung kinikita mo kesa sa sinasahod nila? Hahahaha."

"Mag-janitor nalang kaya ako?" Nakasimangot kong sambit at natawa naman siya lalo. God, that laugh sounds like heaven. "I miss you."

"I love you." Napangiti agad ako. Kinakailangan ko pang paikutin yung upuan ko para makatalikod ako sa pinto, baka may makakita pa sakin. Parang tanga pa naman ako ngumiti. "Pupusta ako, kinikilig ka ngayon."

"Asa."

"Sus, natahimik ka nga eh."

"Kapag natahimik, kinikilig agad? Hindi ba pwedeng nasuka ako kasi ang tamis mo masyado?"

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon