Chapter 45

110 3 0
                                    

MIGGY'S POV:

"Ay Good evening ho ser!" bati sakin ng guard nang makita niya ako sa labas ng gate. Ngumiti naman ako sa kanya at dali dali naman siyang naglakad para ipagbukas ako ng gate. "Mukhang inumaga ho kayo ha?"

"May G-group project lang ho.." nakangiwi kong sagot nang makapasok na ako. "D-dumating na ba si Steffi?"

"Opo ser! Maaga ho si Maan Steffi ngayon, siguro mga... alas otso siya nakauwi ngayon."

"G-ganun ba?" sagot ko at napatango naman siya. Madalas ko kasing tinatanong sa kanila kung anong oras nakakauwi si Steffi, sa katunayan.. ito na ang pinakamaaga niyang uwi nitong mga nakaraang linggo. "A-anong oras na ho?"

Agad naman niyang inaninag sa dilim ang relo niya. "Alas...t-tres?" medyo gulat niyang sagot saka niya ako tiningnan. "Naku ser! Delikado na ho ng ganitong oras, dapat ho nagpalipas nalang kayo ng gabi sa bahay ng kaklase ninyo.."

Agad akong napangiti sa pinakita niyang concern. "Ayos lang ho, may naghatid naman ho sakin pauwi dito.."

Napangiwi ako nang maalala ko kung gaano kabilis ang takbo ni Gyzel sa motor niya kanina. Halos humiwalay pa nga yung kaluluwa ko sa katawan ko kanina. Tch, grabeng babae.

Hindi ko na nga inakalang nagmomotor pala siya, nakikipagsabayan pa sa bilis ng takbo ng mga truck sa highway. Grabe! Mukhang siya ang papatay sakin.

"Mabuti ho kung ganun ser! Naku, magpahinga na ho kayo, mukhang napagod ho kayo ng husto.."

Pilit akong napangiti nang tanguan ko siya. Tch, kung alam mo lang kuya kung anong pinagdaanan ko ngayon araw. Grabe.

Una, hindi ko inakalang makakakita ako ng live action na madalas ko lang nababasa sa isang kwento.

Pangalawa, hindi ko inakalang makakayang labanan ni Gyzel yung higit sa sampung mga lalaki na mas malaki ang katawan sa kanya. Hindi niya lang basta nilabanan lahat, tinalo pa niya. Hayf!

Pangatlo?

Hinding hindi ko talaga inaasahan na isa siyang fighter.

Hindi siya gangster. Pero isa siyang fighter. Lumalaban siya sa mga pustahan kung saan madalas siyang nananalo. At yung eksenang nangyari kanina, normal daw iyon sa tuwing pikon ang nakakalaban niya sa arena. Sa tuwing nananalo daw kasi siya, madalas siyang ginagantihan sa labas. Hindi lang naman daw sa kanya nangyayari yon, maging sa iba rin niyang kasamahan na sa tuwing nananalo, ginagantihan sa labas ng mga talunang pikon.

Habang nilalakad ko ang distansya mula sa gate hanggang sa bahay nila Steffi, hindi ko maiwasang mapaisip kung totoo ba ang lahat ng nalaman ko mula sa kaibigan ko.

Hindi siya normal na babaeng may simpleng buhay. Meron siyang pamilya pero malayo ito sa kanya. Inamin niyang may kaya sila sa buhay pero hindi siya umaasa sa pera ng mga magulang niya. Anak siya sa labas ng tatay niya kaya hindi niya makasundo ang step mother niya.. dahilan kung bakit niya piniling magsarili at mapag isa sa buhay.

Nag umpisa siya sa pinakamahirap na proseso nang pagiging isang independent. Nagtrabaho siya sa isang fastfood chain, pinasok niya ang pagiging waitress sa gabi kung saan niya nakilala ang isang lalaki na nagpasok sa kanya sa isang organisasyong kinabibilangan niya ngayon. Halos gabi gabi daw siyang umiiyak sa tuwing nahihirapan siya sa training, kulang na nga lang daw malumpo na siya sa tuwing uuwi ng mga pasa sa gabi. Nang matuto na sa pakikipaglaban ay nag umpisa siyang labanan ang pinaka'mahinang kalaban hanggang sa tumaas ng tumaas ang ranggo niya ngayon.

Sa lahat ng pinaliwanag niya sakin ay kokonti lang ang pumasok sa kokote ko, hindi ko magawang ipasok at itatak iyon sa isipan ko dahil hindi ko inakalang ganung babae pala ang naging kaibigan ko.

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon