STEFFI'S POV:
"Ano!? Sandali!? Anong sabi mo!?" Gulat kong tanong sa kanya. Hindi naman siya humarap sakin kaya ako nalang yung pumunta sa harapan niya. "A-anong s-sabi mo?"
Bigla niyang tinakpan ng bag yung tutut niya. "Steffi!"
"Ano?"
"Bakit mo nga tinitingnan!?"
"ANO!?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Wala sa sarili akong napatingin sa tinatakpan niya at bigla ko ring naiiwas yung paningin ko. Yuck! Ang kapal naman ng mukha nito?! "Hindi ko yan tinitingnan no! Bakit ko naman titingnan yan!? Ano bang meron dyan!?"
"Hindi mo alam kung anong meron dito!?" Parang tanga niyang tanong.
"Natural alam ko kung ano yan! Geez! Hindi ko kailangang magpaliwanag, okay! Basta hindi ko yan tinitingnan, tapos!" Iritable kong sigaw saka ko siya tinitigan. "Aish! Sige na nga, mauuna na ako sa classroom! See you later--"
"Wait lang." Napataas yung kilay ko nang hawakan niya ako sa braso. "H-hindi ka ba magrereview?"
"Ano--review?" Taas kilay kong tanong. Ha! Review? Tss. "Hindi na no. Boring."
"Bakit naman boring?"
"Walang pumapasok sa isip ko kapag nagrereview ako." Walang gana kong sagot saka ko pasimpleng hinawi yung kamay niyang nakahawak sa braso ko. Duh, baka may germs eh. "Saka, may choices naman mamaya yung quiz eh, madali nang sagutan yun."
"Ehh?" Gulat niyang tanong. "Pero paano kung bumagsak ka?"
Eh anong namang pakialam mo? Tss, sarap sagutin. "Hindi yan. Matalino naman ako."
"Weh?" Nang aasar niyang tanong. Mabilis namang nagsalubong yung mga kilay ko. "Hehehehe, joke lang."
"Sige na." Walang gana kong tango saka ko siya tinalikuran.
---
CLASSROOM:
As what I've expected, wala pa nga talagang tao dito sa room. Malamang Steffi! Two hours pa bago mag start yung klase, sinong tanga yung papasok ng ganito kaaga?!
Okay sige na.
Ako na yung tanga.
Napabuntong hininga nalang ako saka ako naupo sa upuan ko. Tapos parang tanga akong napangiti dahil sa conversation namin kanina ng Nerd na yun.
Hahahahaha! Siraulong yun? Bakit ko naman tititigan yung putotoy niya? Feelingero masyado buti sana kung daks yun. Hehehe, ang bastos ko.
Brain: Eh bakit ka masaya?
Natatawa lang ako, okay?
Brain: Sus, bakit parang kinikilig ka?
Yuck! Bakit naman ako kikiligin sa Nerd na yun? Buti sana kung ang gwapo niya.
(O_o)????
"Shit! Bakit ko ba kinakausap yung sarili ko?" Parang tanga kong tanong.. sa sarili ko rin. "Aishh! Makaalis nga muna dito!" Padabog akong napatayo saka ako lumabas ng room. Iniwan ko nalang yung gamit ko since tinatamad akong bitbitin yun. Kung pwede nga lang pumasok ng walang gamit baka ginawa ko na.
Habang naglalakad ako sa hallway may mangilan ngilan na akong nasasalubong na masisipag mag aral kaya ang aaga magsipasok sa school. Like duh? Edi kayo na matalino.
Meron din akong nakikita sa paligid na babae't lalaking naglalambingan. Yes, pumapasok sila sa school para maglambingan. Ang cheap diba? School? Eww. Walang budget.
As far as I know, 98% ng mga estudyante dito, mayayaman. Kaya joke lang yung sinabi kong wala silang budget. Ang lalandi lang nila, ganun lang yun.
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
عاطفية"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...