MIGGY'S POV:
I am just staring from nowhere. Nakatitig lang ako sa puting kisame na nasa harapan ko at hindi ko alam kung gaano katagal ko nang ginagawa yun.
Wala pa rin si Mommy at Hailey. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Umaga na pero wala pa rin akong kasama dito sa kwarto. Hindi ko tuloy maiwasang mapasimangot. Aish, grabe. Kinalimutan na yata nilang may pasyente pa silang naiwan dito sa ospital.
TT_____TT
Ang sabi ko gusto ko munang mapag isa. Hindi ko naman sinabing gusto kong mapag isa buong araw. Grabe naman sila, talagang sineryoso nila yung sinabi ko?
Waaaa! Sa totoo lang.. nagugutom na ako. Hindi ako nakakain ng maayos kahapon tapos anong oras na ngayon? Kanina pa nga kumikidlat yung loob ng sikmura ko. Nakaka-trauma namang tumayo at maghanap ng makakain sa labas. Mamaya may nurse na namang umalalay sakin tapos makikita na naman kami ni Steffi--
"Good morning Nerd kong gwapo!"
(O___O)!???!
GULAT AKONG NAPALINGON KAY STEFFI NA SOBRANG GANDA NGAYON!
TT_____TT
Nag away kami kahapon pero bakit ganyan siya ka-blooming ngayon?
Mabilis kong iniwas sa kanya yung paningin ko kasi pakiramdam ko, mapapanganga na ako sa ganda niya. Para akong nakakita ng international celebrity at mapapatulo talaga yung laway nang kahit na sino kapag natitigan siya nang maigi----
"Galit ka pa sakin?" Buntong hininga niyang sambit kaya napalingon ako pabalik sa kanya. "Kinulot ko pa naman tong buhok ko para sayo tapos iiwasan mo lang akong tingnan. Hindi ba bagay sakin?"
Paulit ulit akong napailing. Naku naman Steffi! Anong hindi bagay sayo?! Eh natameme nga ako sa ganda mo! At hindi ko talaga alam kung bakit hindi ako makapagsalita! Dyahe! Parang nahiya ako bigla.
Kelan nga ba yung huling ligo ko?
(>>__<<)!???!
Hindi ko na maalala. Nakakahiya naman sa kanya.
TT____TT
"Anyway, may dala akong pagkain!"
(*____*)
PARANG KUMISLAP BIGLA YUNG MGA MATA KO NANG MARINIG KO YUN!
Pinilit kong makaupo agad saka ko hinintay na makalapit siya sa kama ko. Napansin niya namang naexcite ako kaya agad rin naman siyang lumapit bitbit yung mga dala dala niya.
"Tadaaa! Sinigang na hipon!" Napatitig ako sa unang ulam na nilabas niya. Para akong aso na takam na takam makain lahat ng pasalubong niya. "May menudo, afritada, adobo, ham, tocino at ang mahalaga sa lahat?" Pabitin niyang tanong at napangiti ako agad agad. "Meron din akong langka!"
"Good morning my patient. Time for monitoring!"
(O___o)!??
Sabay kaming napalingon ni Steffi sa pinto nang pumasok yung nurse at mabilis ko ring tiningnan pabalik si Steffi na naniningkit na ang mga mata ngayon.
TROUBLE!
"How's your sleep? Feeling good?" Masiglang tanong nung nurse habang kinukuhaan niya ako ng Blood Pressure. Wala sa sarili naman akong napatango. "Great! Look! Your BP is normal again. Good job."
Pasimple kong sinilip sa gilid nang mata ko si Steffi na nakasimangot lang habang nakatingin sa ginagawa sakin ng nurse.
"Here, open your mouth." Saka niya sinubo sakin yung thermometer. "You're doing great everyday."
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Romance"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...