Chapter 35

99 2 0
                                    

STEFFI'S POV:

I'm not the kind of girl who wishes to have a perfect family.

Being a daughter of a successful businessman and woman, I already expected that I have a not-so-good-family relationship.

Bata palang ako, tanggap ko nang ganito ang buhay ko.

Hindi ako malapit kay Mama. Yung mga kaklase ko noon, sobrang lambing sa mga nanay nila at todo asikaso naman ang mga ina nila sa kanila. Samantalang ako, lumaki akong yaya at katulong lang ang kasa kasama kong pumasok araw araw. Yaya ang umaattend sa meeting sa school. Yaya ang humaharap sa guidance office kapag may nagawa akong kalokohan at yaya ang umaasikaso sakin araw araw.

Pero kahit ganun, hindi ko sila kinainggitan. Hindi ko alam kung may deperensya ba ako sa puso at wala man lang akong pakialam kahit ako lang ang batang walang kasamang magulang sa family activities sa school namin noon. Ni wala man lang akong pakialam kahit masaya sila. Natutuon lang palagi ang atensyon ko sa ipod, tablets at kung ano anong gadgets.

Nararamdaman kong gusto akong asarin ng mga kaklase ko noon, hindi lang nila nagagawa dahil alam nila ang ugali ko. Siguro, nasanay ako ng ganun ang buhay ko mula pagkabata. Yung tipong kahit hindi ako nabibigyan ng atensyon ng mga magulang ko, basta nakukuha ko lahat ng gusto ko, kuntento na ako.

Akala ko..

Masaya na ako sa ganung buhay.

Akala ko..

Kuntento na ako sa karangyaang meron ako.

Siguro, oo. Kuntento..

Pero hindi naging masaya.

"Paano na tayo ngayon?"

Nilingon ko si Nerd na nakahiga sa tabi ko habang sabay naming pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Umalis kami sa mansyon ni Grandma at dito kami napadpad sa isang playground. Pareho kaming nakahiga sa damuhan habang nakatingin lang sa ganda ng langit na nasa itaas.

"Sa ngayon, h-hindi ko na alam.." sagot ko saka ako napatitig sa kanyang mukha. Gumuhit ang maliit ng ngiti sa labi niya pero nandun pa rin ang lungkot sa mga mata niya. "H-hindi ko inaasahan ang l-lahat.."

"All my life, I thought I have the best and perfect mother in the world." Sabi niya at napabuntong hininga nalang ako. Tumingin ulit ako sa mga butuin saka ko siya hinintay na magpatuloy. "Ayokong timbangin yung pagmamahal ko sa pagitan nina Mommy at Daddy.. pero hindi ko maiwasang alalahanin ang Daddy ko.. mahal na mahal ko si Dad at alam yun ng lahat.. nang iwan niya kami, yun din ang araw na lumala ang sakit ko dahil sa labis na lungkot. Akala ko aksidente lang ang pagkawala niya. Akala ko, nawala siya samin ng maluwag ang kalooban niya.. buong akala ko, masaya na siya sa langit ngayon.."

"N-nerd.."

"I wonder if he's looking at me right now. Because if he does, I would like to ask him if he is really in a good place now.."

"I think he is." Nakangiti kong sambit habang nakatitig sa mga bituin. "At nasisiguro kong sasaya siya lalo kapag nalaman niyang nasa maayos na kalagayan ka."

"Magiging masama ba ako sa paningin mo.. kung sasabihin kong.. hindi ko magawang magalit sa Mommy ko?" Napalingon kami sa isat isa saka niya ako seryosong tiningnan sa mga mata. "Im s-sorry Steffi.."

Pilit akong ngumiti saka ko hinaplos ang malungkot niyang mukha. "You don't have to be sorry.."

"We ruined your family."

"Matagal ng magulo ang pamilya namin Nerd.." sabi ko saka ako lumapit sa kanya. Marahan akong humiga sa dibdib niya saka ako napapikit sa masayang sandali. "Sa totoo lang, wala akong pakialam sa nakaraan ng mga magulang natin. Labas tayo sa pinagdaanan nila."

"Galit sakin ng mama mo."

"Wala akong pakialam.."

"Ayaw niya ako para sayo."

"Hindi naman siya ang mahal ko."

"Steffi, siya pa rin ang mama mo.."

"Pero hindi ko kailangan ang opinyon niya. Mahal kita, mahal mo ako. Yun lang ang mahalaga.."

Sandali siyang natahimik at naramdaman ko nalang ang mga braso niyang bumabalot sa katawan ko. Lalo kong siniksik ang sarili ko sakanya.

Napakasarap sa pakiramdam. Yung klase ng pakiramdam na kahit wala kami sa gintong higaan, kuntento na ako at masaya. At yun ang mahalaga.

Ang makuntento at sumaya.. kahit wala ang lahat.

"Galit ka ba sa mama ko?"

"Hindi ko alam.." sagot ko. "Sa ngayon, wala akong maramdaman na kahit na anong galit. Wala na rin akong lakas para alamin ang lahat ngayon, ni pagsiguro sa katotohanan wala akong ganang gawin sa ngayon. Ikaw lang ang mahalaga sakin Nerd. Ikaw lang.."

"Sana walang magbago."

"Wala.. walang magbabago."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa palad ko dahilan para mapangiti ako habang nakapikit. Nilaro niya ang mga daliri ko at hinayaan naman niya akong isiksik sa leeg niya ang mukha ko.

"Ang liit ng mga daliri mo, paano mo nagagawang sumupalpal ng bola noon?"

"Nasa lakas ang pagsupalpal ng bola Nerd, wala sa liit o laki ng mga daliri yan.."

"Sana magkasya sayo.." at naramdaman ko nalang na may malamig na bagay siyang sinuot sa daliri ko.

Napadilat ako at wala sa sarili kong inangat ang palad ko. Halos manlabo ang mga mata ko dahil sa mga namuong luha matapos kong makita ang ganda ng daliri ko. Maganda na mas lalo pang gumanda dahil sa isang bagay na kumikislap sa mga paningin ko ngayon.

A ring.

A diamond ring.

"A-ang ganda.."

"Nagustuhan mo ba?"

"Hmn, oo. S-sobra." Nakangiti kong sambit saka ako humarap sa kanya. "S-salamat."

"Mahal na mahal kita, palagi mong tatandaan yan ha?" Paulit ulit akong tumango at napapikit nalang nang ilapat niya sa labi ko ang labi niya. A deep kiss with him. God, its perfect. My life is perfect now. Nakangiti naming pinagdikit ang mga noo namin nang nakapikit. Simple lang.. pero sobrang saya sa pakiramdam. "Marry me. Be mine officially Steffi, please marry me."

"Y-yes.." nakangiti kong sagot saka ko siya tiningnan sa mga mata niyang masaya na ring nakatitig sa mga mata ko. "Magpapakasal ako sayo Nerd. Sayo lang, ikaw lang.. ikaw lang ang gusto ko sa buhay ko Nerd. Ikaw lang.."

He smiled so I smiled back to him.

This man is my precious.

My treasure. My happiness. My everything.

My life.

My future husband.

"Sayo lang din ako Steffi, I love you."

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon