***
Miggy's Pov:
"Uy! Nakasimangot ka na naman?"
Napaangat ako nang tingin at napanguso nalang nang tabihan ako ni Gyzel dito sa field. Sumandal din siya sa malaking puno na sinasandalan ko saka niya tinitigan at inobserbahan ang mukha ko.
"Saan ka galing? Bakit absent ka sa first subject natin?" tanong ko at nagkibit balikat naman siya. "Malapit ka na daw ibagsak ni Prof. Palagi kang absent at madalas kang late. Halos wala na daw siyang maibibigay na grades sayo."
"Aish, hayaan mo siya. Nakakaboring ang subject niya. Nakakaantok masyado, kapag tinulugan mo naman, babatuhin ka pa ng marker!"
"Ano ka ba, ganun talaga. Tyagain mo nalang.."
"Eh, bakit mo iniiba ang usapan?" balik tanong niya. Napabuntong hininga nalang ako. "Nag away kayo ng asawa mo?"
Gyzel is aware that I'm already married. Marami rin akong kaibigan sa university na pinapasukan ko pero siya lang ang nakakaalam na kasal na ako.
Sa totoo lang, mas gusto ko ang bago kong pinapasukan kesa sa university namin ni Steffi noon. Doon kasi ay talagang mayayaman ang mga estudyante kaya hindi maiiwasang maliitin ang mga kapwa nilang hindi masyadong nakakaangat sa kanila. Madalas ay kahit mayaman ka, kung hindi naman nila gusto ang ayos at pananamit mo, hindi ka pa rin makakaligtas sa panlalait nila.
Dito, pantay pantay ang mga estudyante. May mayayaman, may tama lang at may mahihirap. Ang maganda dito ay nasa tama ang trato ng karamihan sa bawat isa. Siguro, may iilang wala rin sa tamang pag iisip at nagagawang makapanakit ng damdamin ng kapwa, pero hindi naman lahat ay kagaya nila..
In short, payapa at normal ang buhay ko sa university na ito.
"Uy!" pabirong suntok sakin ni Gyzel sa balikat at nakanguso naman akong napalingon sa kanya. "Ano nga?! Nag away kayo?"
Napabuntong hininga nalang ako. "Hindi naman sa nag away kami, ano lang kasi... ano, hmn. Busy lang siguro siya.."
"So, ikaw ang nagtatampo sa kanya, ganon?"
"Hindi naman sa nagtatampo.."
"Eh ano?"
"Wala lang.. Parang... namimiss ko lang siya.." muli akong napabuntong hininga saka ako pumihit at humarap sa kanya. "Pwede ba akong magtanong?"
"Nagtatanong ka na."
"Edi, magtatanong pa ako.."
"Magtanong ka na."
"Normal ba na... mamiss ko siya kahit palagi naman kaming magkasama?"
Napangiwi siya sa naging tanong ko. Hinintay ko siyang sumagot at hindi naman nagtagal ay nagsalita na rin siya. "Hmn, siguro normal naman.."
"Normal?"
"Oo, lalo na kung pareho kayong busy. Normal naman na mamiss mo yung mga bagay na ginagawa niyong mag asawa.."
"Ginagawa?"
"Oo, yung normal na ginagawa ng mag asawa. Yung sex ba?" nanlaki ang mga mata ko nang mamis'interpret niya yung tanong ko. Hala! "Syempre, kung pareho kayong busy, wala na kayong time mag sex. Ikaw, galing kang school, uuwi ka tapos gagawa ng homeworks and everything. Part ka pa ng admin, nagpa'part time ka sa library diba? Oh, tapos madalas ka pang leader sa mga groupings. Full load ka pa sa academics, nagmamadali ka atang grumaduate. Tsk. Tapos yung asawa mo, diba nagtatrabaho na? May ari ba ng malaking kumpanya o presidente? Nakalimutan ko na yung kinuwento mo eh, pero kung ganun man siya ay talagang busy iyon. Uuwi nalang yun para magpahinga o matulog. Wala nang panahon mag sex yun, syempre bawal ang puyat sa mga meeting--"
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Romance"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...