Chapter 17

115 3 1
                                    

STEFFI'S POV:

Hindi ko magawang alisin yung mga paningin ko sa kanya. Natutulog lang siya pero pakiramdam ko lalo akong naiinlove sa kanya. Hay, anong gayuma kaya yung pinainom niya sakin?

Ang lakas ng tama eh.

(^___^)

"Hmmm." Napaupo ako ng tuwid nang kumibot kibot ang mga mata niya. Mukhang magigising na siya.

At hindi nga ako nagkamali, nagising na siya ulit. Hihihihihi. Mabilis naman akong napangiti saka ako lalong lumapit sa kanya. "Goodmorning sunshine.."

"A-ang ganda naman ng umaga ko.." naniningkit ang mga mata niyang usal saka siya ngumiti. "A-anong oras na? T-tinanghali ba ako ng gising?"

"Hindi.. nasa tamang oras lang." Malambing kong sagot saka ko sinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Napaaga lang talaga ako, maaga kasi akong nagising." Saka ako nag angat ng tingin sa kanya. "Namiss kita agad eh, hehehehe."

"H-hindi kita namiss eh.."

"Ano!?"

"I-ikaw kasi laman ng panaginip ko, paano kita namimiss kung pati sa pagtulog ko kasama ko ang babaeng mahal ko?"

Nagpigil ako ng ngiti. "Talaga?! Ako yung napanaginipan mo?"

"Hindi, joke lang pala yun S-steffi, a-aray! Hahahahaha.." hindi ko na napigilang ngumiti nang marinig ko ang pagtawa niya. I tried to glare at him pero hind ko talaga mapigilang ngumiti. "Hehehehe, i love you Steffi.."

"Che!" Kunwaring irap ko pa sa kanya. Hahahaha, ewww. Ang pabebe ko. "Oo na sige sige na. I love you too."

"Talaga? Love mo ko?"

"Hehehe, syempre joke lang din yun. Naniwala ka naman agad---"

"Steffi!"

"Hahahahaha!"

"B-bakit ka tumatawa?"

"Ang cute mo, yhiie."

"Hmp!" Kunwaring iwas niya saka niya nilayo ang balikat niya. Bumagsak tuloy yung mukha ko sa kama. "Joke pala ah? Di mo ko love.."

"Hahahahaha!" Lalo akong natawa nang makita kong nakanguso siya sakin. Ang cute niya. "Gusto mo ng kiss Nerd?"

"A-ano!?"

"Bakit ka ngumunguso sakin, gusto mong makaisa no?"

"Asa Steffi."

"Sus, kunwari pa siya. Yhiie!" Pang aasar ko saka ko marahang sinundot sundot yung kili kili niya. Lalo naman siyang umurong hanggang mapunta na siya sa dulo ng kama niya. "Don't worry, pwede naman kitang pagbigyan eh, You know.. mabait ako eh.. Pfft! Mag-please ka lang tapos i kikiss na kita."

"Di mo ko mahal." Kunwaring malungkot niyang sambit saka siya lalong ngumuso. "Di mo ko love, hindi ako love mo."

"Hahahaha, love kaya kita.." pagsakay ko sa drama niya. Pfft. Parang bata tuloy kaming tingnan. "Love love kaya ni Steffi si Nerd.."

"No, sinungaling ka. Di mo ko love.."

"Love nga kita--"

"Si Andrew love mo, hindi ako."

"Nerd.." medyo seryoso ko nang sambit at bigla naman siyang natigilan sa pagtatampo niya kunwari. "Mahal kita, ikaw at hindi siya."

Tinitigan niya ako nang may pagdududa."Sure na ba yan?"

"Oo naman, kung mahal ko si Andrew.. edi sana wala ako ngayon sa maginaw na bansang to. Nakakairita nga eh, ang lamig masyado." Sabi ko saka kunwaring yumuko ng malungkot. "Tapos, yung lalaking sinadya ko pa rito hindi man lang ako mayakap--"

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon