STEFFI'S POV:
"Hello!?" Atat kong sigaw nang sagutin ni Jasmine yung tawag ko. "Ano na!? Bakit ngayon mo lang sinagot!?"
"Kasi maraming nagtatanong sakin kani--"
"Bakit mo kasi sila pinapansin!?"
"Eh kanina pa kasi nangungulit--"
"Sino ba dapat yung unahin mo samin!?"
"Kailangan kasi nila ng--"
"Sino bang ikakasal!?"
"Ikaw nga kaya lang kasi--"
"Bakit ang dami mong dahilan!!?"
"KASI NGA WALA PA YUNG GROOM MO!"
"BAKIT MO KO SINISIGAWAN!!?"
"S-sorry naman, ikaw kasi--"
"TEKA! ANONG SABI MO KANINA!? WALA YUNG GROOM KO!?"
"Aish, bye muna."
(O____O)!!!??
Biglang bumukas yung pinto at bumungad dun ang mukha ng Grandma ko. Tumabi muna sa gilid yung make up artist ko at dali dali namang napalapit si Grandma sa pwesto ko. "Apo, abot hanggang banyo yung boses mo, naudlot tuloy yung pagtae ng grandpa mo--"
"Grandma!"
"Biro lang apo, hahahaha!" Napabuntong hininga nalang ako. Si Grandma talaga feeling bagets. "Ano bang iniiyak mo at parang ako ang napapaos sayo?"
"Si Nerd!"
"Sino yon?"
"I mean, si Miggy kasi Grandma!"
"Yung papakasalan mo?"
"Grandma!"
"Hahahaha, Oh, anong nangyari? Naaksidente ba? Malala ba yung tama? Nag aagaw buhay na ba? Hindi na ba matutuloy ang kasal--"
"Grandma naman eh.."
"Hahahahahaha!" Napanguso ako nang tumawa na naman siya. Bakit ba ang saya saya niya ngayon kesa sakin? Yung totoo? Siya ba ang ikakasal? "Pffft, osige hindi na. Pasensya na apo, ano bang problema sa nobyo mo?"
Napabuntong hininga ako saka ako napayuko. "Wala pa daw siya sa simbahan.."
"Dyusko. Ano ka ba naman Steffi, alas otso palang ng umaga.. alas tres pa magsisimula ang kasal ninyo. Wag mo sabihing paghihintayin mo ng pitong oras sa altar ang nobyo mo? Eh baka nga may nagbibinyag pa simbahan ngayon. Ikaw nga lang itong excited at maagang nagpa'make up eh. Nakikita mo ba yang mga make up artist at stylist mo? Hindi na sila nakaligo dahil sa sobrang aga ng tawag mo. Kung bakit naman kasi ang aga mong nagising apo.."
Nakanguso akong nag angat ng tingin sa kanya. "Eh kasi.. ayoko lang naman ma-late mamaya Grandma. Baka mainip si Nerd tapos hindi na niya ituloy yung kasal--"
"Aba'y patay na patay ka talaga doon sa nobyo mo ano? Hahahaha!" Lalo akong napanguso. Tama bang pagtawanan niya ako? Eh naniniguro lang naman ako na walang makikigulo sa kasal ko. "Naku, hahahahaha! Ganyan pa lang.. natataranta ka na, paano pa kaya kapag may umeksena mamaya at pigilan ang kasal ninyong dalawa--"
"Nakahanda na yung pana ko mamaya Grandma. Hindi pa man siya nakakaapak sa simbahan, papanain ko na yung lalamunan ng tarantadong makikigulo sa kasal ko mamaya."
"Hahahaha, oo ganyan nga apo, ganyan nga.." napangiti nalang din ako. Hay, nakakatensyon palang ikasal. "Pero kumalma ka muna apo, hano? Maaga pa para mataranta. Panigurado, kumakain palang ng agahan ang nobyo mo ngayon habang nanonood ng balita sa telebisyon. Ang Mama mo natutulog pa at ang Papa mo naman papunta palang sa meeting niya. Ipapaalala ko lang ulit Steffi hano apo? Na alas tres pa ang kasal mo. Ako nga ay nagising sa ingay ng bibig mo. Kaya kalma okay apo? Kalma."
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Romance"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...