Chapter 18

121 5 1
                                    

Hindi ko agad nagawang makapagsalita. Napatitig ako sa dibdib niya saka ulit ako napatingin sa maamo niyang mukha. "N-nerd.."

"May sakit ako sa puso Steffi. Namana ko yun sa lola ko, mama ni Mommy ko. Since birth ang sakit ko at hanggang ngayon dala dala ko pa rin yun ngayon. Noong mga bata palang tayo, nakakaramdam ako ng mild pains, though hindi naman yun ganun kalala dahil nadadaan naman sa supplements ko but not until my daddy's death came."

Sa pagkakaalala ko, namatay ang daddy ng kababata ko sa isang car accident. Napakabiglaan ng gabing yun at talagang hindi inaasahan ng batang lalaking kasa kasama ko. That time, nasa bahay sila ng mommy niya.. nagkukwentuhan sila ng mama ko at kalaro ko naman siya sa kwarto ko.

That little boy was crying the whole night matapos silang tawagan ng pulis. Naiwan siya sa bahay namin dahil hindi daw siya pwedeng isama ng mommy niya sa hospital.

Natulog siya sa tabi ng kwarto ko at hindi ko talaga kayang pakinggan kung gaano kasakit yung paghikbi niya noon. Rinig na rinig ko ang pag iyak niya, hinahanap niya ang daddy niya at kahit ilang beses na siyang pinapatahan nila mama at papa, hindi pa rin siya makalma.

"That heartbreaking moment leads my heart became so weak. Sa sobrang depression ko noon hindi kinaya ng puso ko ang lungkot. Noon pa man, iniingatan na nila mommy at daddy lahat ng emotions ko, pero that night.. that very special night.. hindi talaga kinaya ng batang ako kaya kinakailangan kong sumailalim sa isang operasyon.. para mabuhay lang ako nang mas mahaba Steffi."

"If i'm not mistaken, n-nung gabing yun ang b-birthday mo--"

Pilit ang ngiti siyang tumango. "Sabi niya sakin, may supresa daw siya sa baby boy niya. I was so excited to see him that time. Daddy never failed to amuse me with his surprises ever since kaya hinintay ko talaga siyang dumating that night."

"N-nerd.."

"And that's it. He died at my 7th birthday and the next day, i was confined to the hospital.. scheduled for an operation because of my weak body." Hindi ako makapagsalita. Sa sobrang bata ko noon, hindi ko pa naisip na ganun pala ang pinagdaanan niya. "Sobrang bilib ako kay Mommy at the same time.. awang awa rin ako sa kanya. Malala ang kondisyon ko sa hospital at may pinaglalamayan naman sa bahay. Halos hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makasama sa huling sandali ang lalaking mahal niya dahil sa kondisyon ko. Ni hindi niya ako maiwan noon.. kailangan palaging may nakamasid sa monitor ko dahil doon nakasalalay ang buhay ko. Sa tuwing maiisip ko ang mga sandaling yun, hindi ko pa rin maiwasang maawa kay Mommy.. hindi siguro matutumbasan ng kahit na ano yung naramdaman niyang sakit noon.. na nawala na nga si Daddy sa buhay niya, nag aagaw buhay pa ang kaisa isa nilang anak."

Bigla akong naiyak. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya, sinabayan pa ng pagkukwento niya sa nangyari noon sa pamilya niya.. awang awa ako sa kanila. Wala akong kaalam alam na ganun pala kalala ang pinagdaanan ng pamilya nila, napakalungkot. "N-nerd--"

"Until one day, I met this little girl named Mae. Anak siya ng doktor ko, Steffi. Sabi ni doktora, madalas daw talaga niyang sinasama si Mae sa opisina niya kasi wala siyang tatay. Hindi ko alam ang buong kwento sa pamilya nila basta ang naaalala ko lang.. madalas siyang napapadaan sa kwarto ko. Palagi ko siyang nakikita. Ang totoo, sobrang cute niya.. medyo chubby siya, singkit at sobrang puti ng balat. Everytime na maaalala ko ang mukha niya, hindi mapagkakailang mukha talaga siyang anghel.."

Nakanguso kong pinunasan ang luha ko saka ako tumingin sa kanya. "Nakakaselos Nerd.. naattract ka pala sa iba, nakakahurt."

Napailing siya saka niya ako nginitian. "One time, pumasok si doktora sa kwarto ko para kausapin si mommy tungkol sa kondisyon ko. Inutusan siya ni doktora na bantayan muna ako hanggang sa makabalik si Mommy. Nang maiwan kaming dalawa, nakatitig lang siya sakin noon. Nahihiya akong kausapin siya kaya hindi rin ako nagsalita. Pero nagulat ako nang tanungin niya ang pangalan ko at binigyan ko naman agad ng sagot. Marami siyang tanong, parang hindi maubos ubos.. pero that time, natuwa ako kasi pakiramdam ko, may kaibigan na rin ako. Masaya siya kasama.. nakapakulit niya pero hindi siya maldita--"

"Kailangan ko na bang mainggit sa kanya?"

Bigla siyang natawa saka niya marahang pinisil ang ilong ko. "Silly. Ayaw mo yatang magkwento ako eh--"

"Joke lang hehehe.." pambawi ko agad. "Sige, kwentuhan mo pa ako. Hm? So, naging magkaibigan kayo?"

"Oo." Nakangiti niyang sagot, parang may inaalala. "Naging madalas siya sa kwarto ko. Halos samin na nga siya sumasabay palaging kumain eh.. Nung minsan, sinusubuan niya pa ako.. gusto daw kasi niyang maging nurse at ako daw ang pasyente niya. " iniwasan kong mapasimangot ulit. Parang may pinagsamahan talaga sila nung Mae. Nakakaselos talaga. "Everything was smooth, fine and okay. Contented and happy despite na kinakailangan ko pang operahan. But one day, nagtaka nalang ako nang hindi siya pumasok sa kwarto ko. Hindi niya ako dinalaw. Palagi akong nakatingin sa pintuan ng kwarto ko, inaabangan ko siyang dumating pero.. hindi niya talaga ako dinalaw."

"Why? W-what happened?"

"She was kidnapped. Hinihingian si Doktora ng ransom. Hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos nun pero ang sabi ni Mommy, nagfailed daw yung operation nila sa pagkuha kay Mae. Nahuli daw ng mga pulis yung mga kidnappers kaya lang, nabaril si Mae sa likod nung kukunin na sana siya ni doktora." Bumuntong hininga siya saka niya ako nilingon. Hinawakan niya ang kamay ko saka siya nagpatuloy. "Nag aagaw buhay na siya noong isakay raw siya sa ambulansya. Hiniling daw ni Mae kay doktora na ibigay sakin ang puso niya. Gusto daw niyang maging donor ko dahil wala pa kaming nakikitang donor that time. She's willing to give her heart to me kahit buhay pa siya nung oras na yun.."

"A-and then?"

"Then..that's it. Hindi ko na alam yung mga nangyari pagkatapos nun, hindi na rin alam ni Mommy nung tinanong ko siya about it. Hanggang dun lang siguro yung naikwento ni Doktora sakanya noon. But to make the story short, nasa katawan ko na ang puso ni Mae."

"P-pero bakit ka nandito ulit? I m-mean--"

"Let's just say na baka binabawi na ni Mae yung puso niya." Nakangiti niyang sagot pero nandun ang pait. Hindi ko naman nagawang makangiti dahil nalulungkot ako sa tuwing maiisip ko na sasailalim na naman siya sa isang operasyon. "Ang heart transplant ay hindi gamot sa isang sakit Steffi, pinapahaba lang nito ang buhay ko. At ngayon, hindi na ako sigurado sa kung anumang magiging kahihinatnan ko.. ngayon wala nang Mae na kayang ibigay ang puso niya.. para lang mabuhay ako nang mas matagal pa." 

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon