Chapter 6

124 3 0
                                    

STEFFI'S POV:

Walang emosyon kong tinulak palayo si Kyle nang makita kong nakaalis na sila Nerd. Dinukot ko yung panyo sa bag ko saka ko paulit ulit na pinunasan ang labi ko. "Pinakita mo nang malakas ka Kyle, mukhang naapektuhan naman si Bella. Baka gusto mo nang tuparin yung pinangako mong titigilan mo na ako.." dere deretcho kong sambit saka ako tumayo sa upuan ko. "Payo lang, balikan mo kung talagang mahal mo. Patunayan mong karapat dapat ka sa babaeng minamahal mo. Wag kang gumamit ng ibang tao para saktan siya. Baka hindi mo alam, mas lalo mo lang siyang nilalayo sayo.."

"Im s-sorry Ste--"

"At huling pakiusap, wag mo nang ituloy yung binabalak mong panggugulo sa drama club. Masasaktan mo lalo si Bella, pati si Miggy-- madadamay."

"S-steffi--"

"Tuparin mo lahat ng pinagkasunduan nating dalawa.." seryoso kong sambit saka ko siya tiningnan ng walang emosyon. "Tuparin mo lang lahat.. pagkatapos, magkalimutan na tayong dalawa." Saka ako tumalikod at naglakad palabas ng cafeteria.

Kyle and Bella were dating before. Everybody know their love story but no one knows why they ended their relationship.

And using me for his show?

That was the most stupid idea he already made.

Yeah, he likes me.
But he did not love me.

Ginamit niya ako para pagselosin yung ex girlfriend niya. Gusto niyang makita kung maaapektuhan pa ba si Bella, gusto niyang patunayan na masasaktan niya rin si Bella.

Pero nagkamali siya.

Nagkamali siya ng diskarte.

Honestly?

I really don't care kung anuman yung past nila. Kung magkasakitan sila, magkabalikan o hindi na.. wala akong pakialam.

Pero pagdating kay Nerd..

Doon na ako may pakialam.

Inutos ni Kyle sa mga babaeng fans nila na bilhin lahat ng tickets para sa stage play ng drama club. After that, balak nilang ipahiya ang drama club. Balak nilang hindi umattend sa mismong araw ng show para ipahiya ang lahat ng members ng drama club.

Iniimagine ko palang na gagawin ni Nerd ang best niya para sa araw na yun and then wala naman pala silang audience ay alam kong malulungkot siya ng sobra.

Gustong gusto niya ang drama club. Alam ko kung gaano siya kadedicated sa pagppractice para lang magawa niya ng maayos yung role niya. Masayang masaya siya palagi sa tuwing nagkukwento siya. Excited na excited siyang makita ang reaksyon ng mga tao sa palabas nila--

Hindi ko kakayanin kung makikita ko lang na mapapahiya siya.

Pumayag akong magpagamit kay Kyle dahil sa pinangako niya sakin. From the time na pumasok kami sa cafeteria, yung maharot na pagpapaalalay sa kanya at yung mga walang kwentang kalandian..lahat yun plinano naming dalawa.

Pero yung nangyari kanina, yung ginawa niyang paghalik sakin.. hindi yun kasama sa palabas naming dalawa.

"NERD!" hinihingal kong habol sa kanila at galit naman akong nilingon ni Bella. Bigla siyang huminto sa pagkakahila niya kay Nerd at galit niya naman akong hinarap ng makalapit na ako sa harapan nilang dalawa. "N-nerd, m-magpapaliwanag ako--"

(O___O)!!

"B-bella!"

Nanlaki yung mga mata ko nang SAMPALIN AKO NI BELLA! KINGINA!

>___<

"Bitch! Anong hinahabol habol mo!?" Galit niyang sigaw sakin at inis naman akong napalingon sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin pero hinayaan ko muna siyang magsalita. "Pagkatapos mong saktan, hahabul habulin mo!? Eh kung ikaw kaya yung saktan ko--"

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon