Chapter 27

127 4 0
                                    

MIGGY'S POV:

"Baby, Hailey told me that you wanna go back to school?" Nakangiti akong tumango kay Mommy saka ko sinubo at nginuya yung pagkaing sinusubo niya sakin. "Saan ka papasok?"

"I want to go back to the Philippines, Mom.."

"Why there? Ayaw mo na ba sa school ni Hailey? Maganda ang academics mo sa St. Margarette, you're even one of the most outstanding students there.."

I sighed then made a childish pout. "Mom, ayaw mo na bang bumalik sa Pilipinas? After Daddy's death.. hindi ka na bumalik sa Pilipinas, kahit pagbisita man lang.. hindi mo na ginawa. I went to Grandma's house and she even asked me to convince you na tumira na ulit sa--"

"I just d-dont want to bring back those memories." Mahina niyang bulong. Nagtaka naman ako, bakit kailangang ibulong ni Mommy? "B-but.. if you really want to study there, it's fine with me son. Basta, palagi mo lang kaming bisitahin ni Hailey dito ha?"

"Pero bakit nga Mom?" Tanong ko pa ulit. "Pwede tayong tumira sa Pilipinas ulit. Nandun pa rin yung house natin, yung malapit sa bahay nila Steffi? Hehehe.. alam mo Mommy, doon pa rin sila nakatira--"

"No! Stop it." Natahimik ako at bahagyang nagulat nang magtaas ng boses si Mommy. Nakita niya naman yung reaksyon ko kaya agad siyang ngumiti ulit sakin. "I m-mean, m-mas gusto ko nang mag-stay dito, anak.. you can stay to your grandma's pad kung dun ka magpapatuloy ng pag aaral.. it's fine with me."

Parang bata nalang akong napatango. Kung sabagay, nandito na kasi yung buhay ni Mommy. Meron na rin siyang small business dito and nandito rin lahat ng friends niya. Kinain ko nalang ulit yung kanin at ulam na sinusubo sakin ni Mommy saka ko yun masiglang nginuya. Natawa naman siya sakin. "You cooked this Mom?"

"Yes."

"Ang sarap!"

"Really?"

"Yes!" Nakangiti kong sambit saka ako nag approved sign. "Best dish ever!"

"Hahahaha, bolero ka talaga." Napangisi ako nang kurutin ni Mommy yung pisngi ko. Mashaket kaya. "I'm happy that you're okay now. Ingatan mo yang bago mong heart alright?"

"Opo.. hehehehe."

"Remember, bawal pa rin ang sports, bawal mapagod ng sobra, bawal magdamdam at malungkot ng sobra sobra.. bawal rin magalit ng sobra at higit sa lahat--"

"..palaging inumin ang supplements sa tamang oras!"

"Good! I-note mo yan okay? Palagi akong tatawag sayo just to remind you to take your medicines--"

"Yes Mom, promise. Aalagaan ko na yung sarili ko."

"Promise?"

"Promise!" Ngumiti si Mommy saka niya ginulo ang buhok ko. Napatayo na rin siya agad saka niya niligpit yung pinagkainan ko.

Out of nowhere, bigla akong napatanong. "Mom, when Dad asked you to marry him.. na-surprise ka ba?"

Napansin kong natigilan si Mommy sa pagliligpit pero nakasagot rin naman agad. "O-ofcourse.."

"How did he suprise you? How did he propose?"

"S-simple lang.. he just asked me to marry him then.. that's it." Saka siya lumingon sakin ulit. Napasimangot naman ako. "Why anak?"

"Well.. i'm planning to do a proposal to Steffi this week and i can't think of any strategy to make her say yes to me.."

"Y-yayayain mo siyang magpakasal?" Halatang gulat na tanong ni Mommy. Inexpect ko namang magugulat siya kaya masaya nalang akong napatango. "W-why so sudden? A-akala ko ba.. mag aaral ka ulit?"

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon