---
Steffi's Pov:Naging mabilis ang byahe namin.. marahil siguro sa tensyon na nararamdaman ko. Habang pumapatak ang bawat segundo ay lalo akong natataranta. Sa isip isip ko ay nananalangin akong walang nangyaring masama sa asawa ko.
Oh God!
Mabilis kong nilingon yung cellphone kong tumutunog na nakalagay sa dashboard. Nang makumpirma kong may tumatawag sakin ay mabilis ko iyong sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang caller.
"Hello?!"
"Ah yeah, hello.." kumunot ang noo ko sa boses babaeng nasa kabilang linya pero mas pinili ko nalang maghintay sa sasabihin niya. "May itatanong lang sana ako--"
"Who's this!?"
"I'm Gyzel. I would just like to ask if you---"
"I don't know you, kung tungkol ito sa negosyo wala akong panahon makipag usap ngayon, i'm hanging up---"
"Teka, sandali! May asawa ka ba?!"
(⊙.⊙)????!
Sandali akong natigilan at napaisip sa kung sino ang babaeng kausap ko ngayon. "Come again?"
"Itatanong ko lang sana kung may asawa ka.. may lalaki kasi akong dinala dito sa clinic. Bago siya mawalan ng malay ay sinabi niyang tawagan ko ang asawa niya. Hindi ko naman alam kung anong pangalan ng asawa niya--" sandali kong tiningnan sa cellphone ko kung sino yung caller at nanlaki agad ang mga mata ko nang mabasa ko ang pangalan ni Nerd sa screen ko. "...tinawagan ko isa isa lahat ng nasa contacts niya pero walang sumasagot kaya tumigil na ako. Binitawan ko at chinarge muna ang cellphone niya malapit sa table ng nurse dahil low battery na kanina. Ngayon ko lang nakita yung missed calls mo kaya sinubukan kitang tawagan--"
"Where's my husband?! How is he!?" tanong ko nang mainip ako sa paliwanag niya. Damn! Bakit nasa clinic si Nerd! Anong nangyari sa kanya!? "Malapit na ako sa university na pinaghatiran ko sa kanya kanina. Just please hold on and keep his phone with you so I can easily contact you once nakarating na kami dyan."
"Ah, oo.. sige. Hihintayin ko nalang kayo dito. Nasa school clinic kami, itanong niyo nalang sa guard kung saan kayo pupunta dahil medyo nakakalito ang pasikot sikot dito."
"Okay, wait. May malay na ba siya? Anong nangyari sa kanya?"
"Wala pa rin siyang malay eh, namumutla siya kanina pero ngayon mukhang okay na siya. Hinihintay nalang namin siyang magising ng nurse."
Para akong nakahinga ng maluwag.
Ganunpaman, hindi ko mapigilan ang sarili kong paharurutin ng mas mabilis ang kotse ko papunta sa lugar na yun. "Please take care of him first. Malapit na kami, just please stay beside him for a while. Call me agad kung may pagbabago sa kondisyon niya.."
"Okay."
"Thank you."
"Hmn, sige." saka niya ibinaba ang tawag.
Hindi ako mapakali sa pwesto ko. Kung pwede ko lang paliparin ang kotse ko baka kanina ko pa ginawa. Baka lalo lang din akong matagalan kapag nahuli ako ng enforcer dahil sa over speeding.
Shit! Sana naman walang nangyaring masama sa kanya.
----
Miggy's Pov:
Mabigat man ang mga talukap ko ay sinubukan ko pa ring idilat ang mga mata ko. Hindi man ako makadilat ng sobra dahil sa liwanag ng ilaw ay nagawa ko pa rin namang makita ang mukha ng babaeng tinulungan ko kanina.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya saka niya nilapit ang mukha niya sakin para matitigan ako ng husto. "Okay ka na ba?"
Matagal muna akong napatitig sa kanya bago ko nagawang sagutin ang tanong niya. "O-okay na. S-salamat."
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Romance"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...