Nangulila ako pero nakaramdam rin ako ng galit.
Galit para sa taong mahal ko.
Sa ilang buwan na nagdesisyong siyang lumayo, napuno ng pangungulila ang buong pagkatao ko.
Ang dami kong tanong..
Kamusta na kaya siya?
Maayos ba ang lagay niya?
Naaalala niya kaya ako?
Bakit hindi siya nagpaparamdam?
Hindi niya ba ako namimiss?
Kelan kaya siya babalik?
Bakit hanggang ngayon wala pa rin siya?
Sinira niya ba ang pangako niya?
Kinalimutan na ba niya ako?
Masaya na ba siya sa America?
May bago na kayang nagpapasaya sa kanya?
Mahal niya pa ba ako?
Ang hirap gumising at kumilos sa umaga na siya palagi ang laman ng isip ko. Pakiramdam ko, wala akong magawa para masagot lahat ng katanungan ko.
Nakakabaliw dahil wala man lang siyang paramdam. Ni hindi ka niya nagawang kamustahin man lang. Kung maayos pa ba ako. Kung nanalo ba kami sa regionals.. kung mataas ba ang mga grado ko, kung naayos ko na ba ang sarili ko..
Kasabay ng hirap na yun ang sakit na nararamdaman ko. Ang sakit na parang sa bawat umagang aangat ng araw, parang dinudurog ang puso ko sa kaisipang wala pa rin siya sa tabi ko. Gigising ka sa umaga na wala siya hanggang sa matutulog ka nalang ulit nang wala pa rin siya.
Unti unting nabuhay ang galit sa puso ko. Yung pagmamahal na naramdaman ko sa kanya parang binalot bigla ng poot. Pakiramdam ko iniwan niya ako sa ere.. na nangako siyang babalikan ako pagkatapos wala namang presensya niyang bumalik pagkatapos kong maghintay sa mahabang panahon.
Tinapos ko ang pag aaral ko para may maipagmalaki ako sa kanya kapag nagkita na kami ulit. Na kaya kong ipagyabang sa kanyang.. kaya kong magpatuloy mag isa.. nang wala siya. Nang ako lang at hindi siya kasama.
Pero ngayon..
Habang pinagmamasdan ko ang namumutla niyang mukha..
Parang bulang mabilis nawala lahat ng galit ko sa kanya.
Na mula sa pagmamahal na napunta sa poot.. bumalik lahat ng pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya.
Na habang tinititigan ko ang inosente at maamo niyang mukha..
Bumalik lahat ng sigla. Bumalik ang masasayang alaala. Bumalik ang Steffi na mahal na mahal ang Nerd niya.
"H-hi N-nerd.. n-naririnig mo ba a-ako? A-ako to N-nerd.. y-yung S-steffi mo."
Mabilis nagsilabasan lahat ng luha sa mga mata ko nang wala akong matanggap na sagot mula sa kanya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya saka ko yun paulit ulit na dinadampi sa namamasa kong mukha.
"W-why didn't you tell me a-about this? I-ito ba yung dahilan kung bakit ka umalis? Kung bakit mo ko iniwan? Para magpagamot at magpagaling? Kaya ba lahat ng binibitawan mong salita noon.. m-may kahulugan?" Lumuluha kong bulong saka ko lalong nilapit ang mukha ko sa kanya. "S-sinabi mo sakin noon, na wag kitang sasaktan dahil baka di kayanin ng puso mo. Hindi ko alam na dalawa pala ang ibig sabihin ng sinabi mo.. noong sinabi mong marami nang pinagdaanan ang puso mo, buong akala ko dahil lang sa problemang napagdaanan mo.. h-hindi pala ganun, dahil ito yun.. ito ang ibig sabihin lahat ng sinabi mo. A-ang tanga tanga ko dahil h-hindi ko agad naiintindihan na may p-pinapahiwatig ka na pala noon.. ang tanga ko, ang tanga ko dahil hindi ko man lang naramdaman na ganito pala ang pinagdadaanan mo.. i'm s-sorry Nerd, i'm so s-sorry.. p-please, wake up and comeback to me.. i m-miss you so m-much, i love you.. i love you.. i love you.." saka ko paulit ulit na hinalikan ang malamig niyang pisngi. Sumandal ako roon saka ako lalong napahikbi. "W-wake up Nerd.. wake up.."
"S-steffi.."
Mabilis akong napaangat ng tingin at parang tumigil bigla ang pag ikot nang mundo.. nang masaksihan ko ang dahan dahang pagbukas ng mga talukap niya. Paulit ulit ngunit mabagal siyang kumurap, sinasanay sa liwanag ang paningin.. hanggang sa tuluyan ko nang makita ang simple at hirap niyang pagngiti.
"M-my Steffi.."
"N-nerd.." agad na namang nagsilabasan lahat ng luha sa mga mata ko nang matitigan ko siya nang maigi. Oh god, i miss him so much. "Y-yes, yes, i-im here.. im really here.."
"I'm sorry." Mahina niyang sambit, halatang nahihirapan niyang magsalita. "S-sorry kung hindi ko t-tinupad ang p-pangako kong b-bumalik sayo--"
"Ssshhh, okay lang Nerd, okay lang.." nakangiti kong sambit saka ko hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. "D-diba, a-ang sabi ko naman sayo.. kapag n-naging malinaw na sakin ang lahat.. b-babalikan kita, s-sabi mo, p-pwede kitang balikan kahit kelan ko g-gusto diba.. nandito na ako ngayon N-nerd. B-binabalikan na kita, bumalik na ako. T-tanggapin mo pa rin n-naman ako diba?"
"I.. I don't deserve someone like you.."
"No, no.. Don't say that.."
"K-kailangan mo.. ng taong malakas para samahan ka sa journey mo.. H-hindi ko na kaya maging m-malakas para sayo.."
"Shh, shh. Hindi yun ang kailangan ko Nerd. Hindi ko kailangan ng lalaking malakas na sasamahan ako sa journey ko. Ikaw Nerd, ikaw ang kailangan ko.."
"M-magiging m-masama b-ba ako k-kung g-gusto pa rin kitang tanggapin.. k-kahit ganito na ang sitwasyon ko--"
"H-hindi ka magiging masama Nerd." Paulit ulit akong umiling. "M-mas gugustuhin kong nandito ako sa tabi mo.. a-ayoko nang malayo ulit sayo. D-dito nalang ako p-lease."
"G-gusto mo ba dito, S-steffi.."
Mabilis akong tumango. "O-oo, oo. Gusto ko dito sa tabi mo Nerd.."
"P-pwede ba akong humiling sayo?"
"Yes, yes Nerd. Anything you want.."
"I want you to stay.." sabi niya saka niya sinikap ngumiti ng totoo sakin. "S-stay here.. and d-don't leave me.. i n-need you so bad.. here b-beside me.. p-pakiramdam ko, l-lumalakas ako Steffi.. y-you're my one and only, s-strength.. so p-please, stay and don't leave me.. I may be s-sound like s-selfish but--."
"K-kahit hindi mo hilingin yun Nerd, mananatili ako sa tabi mo."
"T-thank you.." sabi niya saka siya nanghihinang ngumiti. "..and one more thing.."
"W-what is it?"
"I m-miss you.. s-so m-much.."
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Romance"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...