MIGGY'S POV:
We're eating right now and IT IS SO QUIET! It is as if you will be rotted in jail once you try to open your mouth and speak. Kahit si Mommy at Hailey hindi nagsasalita.. kanya kanyang subo lang sila sabay napapatingin sa paligid nila.. halatang nakikiramdam lang. Mas lalo tuloy naging awkward yung paligid--
"Kumain ka pa." Bigla sabi ni Steffi saka niya binagsak sa plato ko yung nuggets na ulam namin ngayon. "Sabihin mo kung magkakanin ka pa."
"H-hindi na.." nakangiwi kong sagot at walang gana naman siyang napatango.
TT____TT
ANG COLD NIYA SAKIN NGAYON!
TT____TT
Oo, alam ko namang galit siya. Hindi ako manhid lalo na't kilalang kilala ko na yung ugali niya. Alam ko namang hindi niya nagustuhan yung nadatnan niya kanina.. ang inaasahan ko lang naman ay yung magagalit siya, sisigawan niya ako saka niya ako tatarayan.
TT____TT
Pero hindi siya nagsalita! Hindi talaga siya umiimik. Oo, nagsasalita siya pero napaka'kalmado pa rin. Kalmado in a way na mararamdaman mo pa ring masama ang loob niya.. kalmado in a way na ang lamig ng pakikitungo niya---
"Tubig?" Tamad niyang alok sakin ng tubig na nasa baso. Parang napipilitan pa siyang abutan ako ng tubig. At nakakasama sa loob kasi pakiramdam ko wala siyang ganang pakitunguan ako ngayon. "Ayaw mo ng tubig?" Nakanguso at nakayuko akong napailing. "Hindi ka nauuhaw? Okay, kapag gusto mo ng tubig sabihin mo lang."
At napatango nalang ako.
TT____TT
Waaaaa! Bakit ba siya ganyan?
Tinanong ko siya kanina kung galit siya, ang sabi niya.. "Ako? Hindi ah? Bakit ako magagalit?" Tinanong ko rin siya kung nagtatampo siya, ang sagot niya.. "Ano namang ikakatampo ko? Okay ka lang?" Tapos tinanong ko rin siya kung saan siya galing, sabi naman niya. "Dyan lang.." paulit ulit ko siyang kinamusta pero paulit ulit lang din ang sagot niya ng.. "Okay lang naman.."
Ganyan ba talaga ang mga babae? Kapag tinanong mo kung galit ba sila, sasabihin nilang.. "Hindi." Aasa ka namang okay lang talaga ang lahat pero buong araw ka naman niyang babalewalain. Hindi papansinin. Hindi kakausapin.
TT_____TT
Hayyyyy......
"A-ahh, iha?"
"Yes Ninang?"
"Kamusta ka? Two days kang hindi dumalaw.."
"Mabuti naman po, may inasikaso lang."
"So Steffi, anong oras ka dumating dito?"
"Two hours ago bago kayo dumating ni Ninang, Hailey."
"Mabuti naman kung ganon iha, wala kasing kasama si Miggy kanina.."
"Mukhang ayos lang naman po sa kanya Ninang."
"Ha?"
"Mukhang nag enoy naman siyang 'Mag Isa'."
Hindi man ako nakatingin, halatang diniinan niya talaga yung huling sinabi niya.
TT____TT
Galit talaga siya! Waaaaa!!!
"Enjoy? Si Insan? Paanong nag enjoy?"
"May ginawang milagro."
Biglang nanlaki yung mga mata ko! Magsasalita na sana ako ng bastusin ako ng pinsan ko. "Milagro? Anong milagro?"
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Romance"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...