Chapter 14

113 4 0
                                    

STEFFI'S POV~

Napatitig ako habang nakatingala sa malaking gate na nasa harapan ko.

ST. MARGARETTE STATE UNIVERSITY

Sa mga oras na to, hindi man lang ako makaramdam ng kaba. Nangingibabaw sakin ang pagkasabik na makita ulit si Hailey. Alam kong hindi niya aasahan ang pagdating ko at hindi ko naman siya masisisi roon. Hindi ko intensyon na guluhin siya..

Pero siya lang ang pag asa ko.

Sa laki ng university, hindi ko alam kung paano ko siya hahanapin. Good thing hindi sila required mag uniform at pwede sa kanila ang civilian na damit. Hindi rin naman ako nahirapang magpanggap na estudyante dito.

"Uh, hi? Can I ask you something?" Nakangiti kong tanong sa isang babae na tumango naman sakin. "Uhm, i just want to ask if you know someone named Hailey Mikaela Lustre? Do you know her?"

"Hailey? Yes, ofcourse. Everyone knows her." Nakangiti niyang sagot at mas lumawak naman ang pagkakangiti ko. "She's the SC President of this school."

"Wow, really." I said while smiling widely. Napaka gifted talaga ng pamilya ni Nerd. "Do you know where i could find her?"

"Yeah sure, by the way. What's your name?"

"Ah, yeah." Inabot ko yung kamay ko sa kanya. "I'm Steffi."

Tinanggap naman niya yung palad ko. "My name is Rose!"

"Nice meeting you Rose."

"Same here.." Sandali siyang napaisip. "I think.. she's in the dean's office now."

"Thank you." Sincere kong pasalamat at nagwelcome naman siya. Hahakbang na sana ako papunta sa dean's office nang mapaatras ako agad pabalik sa kanya. "Uh, sorry. Last question, where is the dean's office?"

"Right there." Turo niya sa pintong nasa tapat namin at nanlaki naman ang mga mata ko. "Hahaha! Actually, she just pass by and enter that room when you asked me where she is."

Napanganga nalang ako. Dumaan na pala siya sa likuran ko? "R-really?" Nakangiwi kong sambit at masaya naman siyang tumango. "Maybe i'll j-just wait here.. c-can I sit beside you?"

"Yea, yea. Ofcourse." Sabi niya saka niya umurong. "Here.."

"Thank you."

Naupo ako at naghintay na bumukas ang pintong nasa harapan ko. Ngayon palang, iniisip ko na kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako makaramdam ng kaba, parang gusto ko na ngang hilain ang pinto na nasa harapan at pasukin nalang sa loob si Hailey.

Pero hindi rin nagtagal..

Lumabas na siya.

At hindi na ako nagtaka nang magulat siya matapos niya akong makita.

Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, nabasa ko agad ang pangamba sa mga mata niya. Ni hindi niya nagawang makahabang o makakurap man lang.

Ako ang nagkalas loob lumapit sa kanya. At nang makaharap ko na siya, hindi ko mapigilang ngumisi dahil sa naging reaksyon niya.

"Hi, long time no see. How are you Hailey?"

"S-s-steffi.."

"The one and only."

"A-anong ginagawa mo dito?"

Gusto kong mainis. Anong klaseng tanong yun? "Alam mo kung bakit ako nandito Hailey.."

Mabilis siyang napaiwas ng tingin. "I d-don't know what you're talking about." Saka siya humakbang palampas sakin pero mabilis ko siyang hinawakan sa braso niya. Yung tipong mahigpit. Sobrang higpit na halos bumaon na dun ang mga kuko ko. "S-steffi, l-let me g-go.."

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon